Epilogue. The Maniac's Cold Wedded Wife.

47.3K 602 43
  • Dedicated kay AVID SUPPORTERS <3
                                    

Epilogue

SAGE

 

 

“Daddy!”

“Daddy!”

Nakatitig ako sa salamin habang sinusuot ang polo ko. Puting polo, jeans, simpleng sapatos, walang gel na buhok na nakasunod lang sa galaw ng hangin. Tumitig ako sa kamay ko, tanging wedding ring lang ang accessory na suot ko.

Biglang bumukas ang pinto at may sumilip na isang ulo at napangiti ako sa kanya.

“Dad … antagal mo, diba we’re gonna go to mommy? Aren’t you excited?” tanong nya sa’kin at umupo sa kama at nagpapadyak pa ng paa.

Inayos ko ang pagkakabutones ng polo ko at lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa harap nya para magka-level ang mukha namin.

“Of course, I am. I missed her …” sagot ko at hinaplos ang buhok nyang natural brown ang kulay at wavy na kagaya ng mommy nya.

“Edi dali na kasi … I missed her, too,” at nagpout pa sya, manang-mana sa mommy nya.

“C’mon!” at binuhat ko na sya.

Sya ang aking prinsesa, ang anghel namin ni Sab. Ang ginawan namin ng little haven dito sa bahay. Ang nagpapakulay ng mundo ko. Hermaine Miracle Zapia. Dahil isa syang milagro apat na taon na ang nakakaraan. Isang bagay na hiniling ko at pinagdasal sa Diyos.

Pinaupo ko na sya sa passenger seat at agad akong sumakay sa driver’s seat. Inayos ko muna ang seatbelt nya at piningot ang ilong nya.

“Napakakulit ng baby ko!” at pinisil nya naman ang pisngi ko.

“Kiss mo nga ako?” paglalambing ko sa kanya. At agad nya naman akong hinalikan sa pisngi at nginitian ko sya.

“Dali na daddy! Let’s go to mommy na!”

Pinaandar ko na ang kotse nya at makulit nyang tinaas ang dalawang kamay nya sa ere at sumigaw pa.

“Yay!”

“Why are you so excited, baby?” tanong ko at mabilis na tumingin sa kanya pero bumalik din agad ako sa pagtingin sa daan.

“Because … I miss mom and I wanna … see her like … all day …”

“Really?”

“Yeah and … I love her so much! So much! Hahaha!” makulit nyang sagot at napatawa pa.

“Don’t you love dad?”

“Of course, I do. I love you so much, daddy!” sigaw nya at nagheart sign pa. Ang kulit talaga!

“I love you more, baby Miracle!”

Tinigil ko na ang sasakyan sa pakay namin. Napahinga muna ako ng malalim bago ko tinanggalan ng seatbelt si Mira at may kinuha agad sya sa backseat.

“Dad … flowers … for mommy!” sabi nya at binigay sa’kin ang bouquet ng fresh red roses.

“I’m gonna see her first … hahaha!” at tumakbo na sya pababa sa kotse at tumakbo papunta sa mommy nya. Lumabas na rin ako sa kotse bitbit ang bouquet na bigay ni Mira sa’kin para daw sa mommy nya.

Tinanaw ko muna si Mira na nakangiting nakaharap sa mommy nya at madaming sinasabing kung anu-ano. Napangiti akong nakatingin sa kanya. Lumapit na rin ako sa kanila.

“Mira …”

“Daddy …”

Nilabas ko ang bouquet mula sa likod ko.

The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon