Dedicated to kae12aristela :) Thanks for supporting my story and always liking! Mwaaaaaa xx
---
Twenty. I love you ... forever.
SAGE
Nagluluto ako ng lunch para sa’min ni Sab habang nasa sala sya at kumakain ng mangoes na dinala ni mommy kahapon nung bumisita siya. Mas lalong binabantayan ko si Sab ngayon, hindi ako pumapayag na aakyat o bababa sya ng hindi ako nakaagapay sa kanya dahil baka anong mangyari sa kanya any minute.
Pinataas na rin ang dosage ng gamot nya dahil sa nangyari nung isang linggo na inatake sya sa puso. Medyo kinakabahan ako if makaka-affect ba sa baby ang mga gamot kaya weekly ay nagpapa-prenatal test kami kung okay lang ba ang baby namin. Hanggang ngayong running 8 months na ang tiyan ni Sab ay ayaw nya pa rin malaman ang gender ng baby namin. Gusto nya daw ma-surprise sa araw na manganganak sya.
Kaya kahit excited ako para sa baby ay sumunod nalang ako kay Sab na hindi na muna namin malaman ang gender ng baby namin.
Sinilip ko sya mula dito sa kusina at okay lang naman sya sa sala. Tumatawa sa pinapanuod nyang palabas.
“Sab … dali na, kakain na tayo!” tawag ko sa kanya at pinuntahan sya sa sala. “Hali na wife … kakain ka na,” at hinawakan ko na ang kamay nya at tumayo naman sya. Mabagal na syang maglakad ngayon dahil nararamdaman dawn yang pagod sya palagi at parang biglang bibilis ang heartbeat nya kaya dapat hindi na sya mag-gagalaw-galaw pa dito sa bahay kaya ako na mismo ang gumagawa ng lahat.
Pinaupo ko na sya at tumabi ako ng upo sa kanya at sumandok ng kanin at sinabawang gulay na ulam nya. Ilang revision na ng sinabawang gulay ang ginawa ko para lang magustuhan nya ang lasa. Halos magamit ko na nga rin lahat ng in’endorsong pampalasa sa tv para lang masarapan sya pero wala eh. Ang lasa ng gulay ay gulay pa rin talaga!
“Sage … ‘yan na naman!” reklamo nya nung nakita nya ang ulam.
“Don’t worry baby … para ‘to sa health mo. Diba nag-usap na tayo tungkol dito? Diba?” at marahan lang syang tumango.
“Sige na … kumain ka na. Ahhh …” at sinubuan ko sya. “Pagkatapos mong kumain … may ipapakita ako sa’yo …”
“Hmmm? Rea—lly? Ano?” excited na tanong nya pero sinubuan ko lang sya ulit.
“Secret …” at nginitian ko sya.
Umakyat kami sa taas pagkatapos nyang kumain at binuksan ko ang kwarto ko noon, dahil sa nasa iisang kwarto na kami natutulog ni Sab ay syempre wala na itong laman pero may ginawa ako sa kwartong ‘to na sana ay magustuhan ng asawa ko.
“Ready ka na ba, baby?” at hinawakan ko rin ang malaking tiyan nya.
Pagbukas ko ng pinto, humigpit ang hawak ni Sab sa braso ko. “May problema ba, wife?”
“Huh? Wala … baka may multo lang …” at nginitian nya ako.
“Seriously Sab?” alam kong may masakit sa kanya.
“Ano … bigla kasing sumakit eh. Pero …” hinawakan nya ang kamay ko na nasa door knob. “… don’t worry … wala na. Sige na … gusto ko ng makita.”
“Sure ka?”
“Hmmm …” at tumango sya. At sya na rin ang full na nagbukas ng pinto. Napangiti ako nung nakita ko yung mga ginawa ko. At pagtingin ko sa kanya, parang nagsashine pa yung mga mata nya.
“Ikaw ba ang gumawa nito?”
“Oo … surprise! Do you like it?” tanong ko at niyakap nya ako pero bumangga yung tiyan nya sa tiyan ko kaya niyakap ko nalang sya patalikod.
BINABASA MO ANG
The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)
General FictionSabrina Hermaine Arevalo is ought to marry her first boyfriend, love of her life and the only son of her mom's bestfriend, Felipe Sage Zapia III. Everything was perfect for the two, until that one night. Truly, you can't get back words you have alre...