Fourteen. Pilyong Sweet II.

36.9K 416 3
                                    

Dedicated to AimeBernales (: Thank you for adding TMCWW in you reading list! :*

---

Fourteen. Pilyong Sweet II.

SABRINA

Pagkauwi namin sa resort ay agad naming naisipang magswimming sa dagat. Nag-sundress lang ako pero may suot akong swimsuit sa ilalim. Naglatag si Sage ng mat sa may buhangin at humiga sya. Pinahiga din nya ako sa tabi nya. Mabuti nalang at maulap at hindi mataas ang sikat ng araw. Okay lang na mahiga kami sa shore marami din naman kasing nakahiga eh, nakigaya lang din kami.

“Sage …”

“Hmmm?”

“Bakit kaya nasa mall kanina si Lexie?” tanong ko. Nacurious kasi ako kung bakit andito sya sa place na ‘to. Well, nasa Luzon lang naman ‘to but still, sobrang pinagtagpo naman kami ng tadhana at dito pa talaga kami nagkita.

“Nagsashopping …” sagot naman ni Sage.

“Eeeehhh … What I mean is … bakit in this place? Why not in Manila?” tanong ko pa.

“Maybe she’s in a vacation, too. Kasama yung fiancée nya.”

“Ahhh …” sagot ko nalang.

“Sab …”

“Hmmm?”

“Mahal kita. Sobra!”

“Mahal din naman kita ah? Sobrang sobra!”

“Sabi na eh, ang laki ng tama mo sa’kin! Hahaha!” panunukso nya sa’kin.

“Ahhh! Ikaw ah?” at sinuntok ko ang dibdib nya ng mahina.

“Noon ba’ng high school tayo, mahal mo na ba ako nun? Nung kami pa ni Lexie?”

Naghesitate pa ko kung sasagutin ko ba ang tanong nya pero naisip ko mag-asawa na kami. Dapat open kami na pag-usapan anag past. Pinatawad ko na sya at kailangang bumalik din ang trust ko sa kanya and I know he’s rebuilding it each day kaya pinapaalala nya sa’kin na mahal na mahal nya ako.

“Oo. Sobra! Nakakatawa nga eh, sinabi ko kay Nique noon na sana maghiwalay kayo ni Lex. Ang bad ko nun!” at sumiksik ako sa leeg nya.

“Hahahaha!” tumagilid sya at hinarap nya ako. “Sa tingin ko kaya kami naghiwalay ni Lex kahit mahal na mahal namin ang isa’t isa ay dahil hindi sya ang babaeng nakalaan para sa’kin. Hindi sya ang babaeng makakasama ko habang buhay, ikaw yun, Sab. Ikaw.”

“Ehh … bakit nung tayo … bigla ka nalang nagbago. Hindi ka na sumisipot minsan sa date natin? Yung bago tayo maghiwalay? Ba’t tayo nagkalabuan?” tanong ko sapagkat hindi pa naman nya ito nasagot.

“Kasi … bumalik si Lexie nun dito sa Pinas. She wants me back. She stayed her for a month, and by the end of that month, babalik na sya sa Paris pero she wants to know if I still love her. Nalito ako nun, Sab. I’m sorry. I thought I love her kaya nung gabing naglasing ako sa bar? That was because umalis na sya nung hapon na ‘yun pero wala akong binigay na sagot sa kanya ‘coz I’m so unsure between you and her. But …” bigla nyang hinawakan ang mukha ko.

“… nung nakipaghiwalay ka sa’kin nung umaga ding yun. Dun ko lang narealize na mahirap mabuhay nang wala ka. Hinawalayan mo ako, nasaktan ako pero pumayag ako kasi sobrang guilty ko na nasaktan kita na napabayaan kita dahil lang sa biglang bumalik si Lex. I’m so sorry, Sab.”

“Napatawad na kita, diba?” sabi ko at hinawakan din ang mukha nya.

“And I thank you for that,” and he kissed my forehead.

The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon