Dedicated to yreissej . Thanks for liking this chapter! :)
---
HAPPY BIRTHDAY to EXO'S MAKNAE SEHUNNIE! :* Yehet~ Ohorat~ #HappySehunDay #PrinceSehunDay
Seven. Jealousy.
SAGE
Kinaumagahan, sabay kaming pumasok sa university. Tinanong nga agad kami ng mga barkada namin kung anong himala ang nakain naming dalawa at sabay kaming pumasok at sa iisang sasakyan kami nakasakay.
“Mag-asawa kasi kami kaya ganun …” sagot ko naman sa kanila.
“Pinilit kasi akong pasakayin kaya ganun …” bwelta naman ni Sabrina.
Mula sa umagang yun, naging araw-araw na yun. Pero wala nang bago, di pa rin kami nag-uusap. Pag tinatanong ko lang siya saka siya sumasagot pero iilang words lang naman ang lumalabas sa bibig niya.
Ngayong umaga, balak ko sanang magluto ng breakfast para sa’ming dalawa. Pero aba naman! Puro gulay nalang ang laman ng ref namin? Kumusta naman yun, brad? Kailangan na naming maggrocery ni Sab. Uuuuy! Husbandxwife grocery moments! Hahahaha!
“Anong tinutunganga mo dyan sa harap ng ref?” tanong sa’kin ni Sab na nakapameywang. Kabute? Biglang sumulpot? Joke! Mahal ko ‘yan!
“Wala na tayong pangbreakfast eh, puro gulay nalang ang meron. Magdrive-thru nalang tayo mamaya papunta sa school. Ge, maghanda ka na dun!” sagot ko sa kanya at tumalikod na siya para umakyat ulit sa kwarto nya.
Nagdrive-thru kami sa Mcdo gaya ng napagdesisyunan ko. Ang anla! Akala ko susubuan niya ako habang nagdadrive ako kasi sobrang gutom ko na kaya aba! Kumain man lang naman siyang mag-isa ni di ako tinanong kung gutom naba ako o kung gusto ko ba ang kinakain niyang McMuffin. Pero buti nalang iniwan ang share ko, at least!
May 2 hours break ako after ng lunch kaya naglakad-lakad ako sa campus para hanapin si Sab. Ang alam ko kasi kay Aldrich, lunchbreak nila ngayon at vacant din sila after ng lunch. Speaking of Aldrich, bakit nga ba di ko tanungin kung asan sila? Psh!
To: Aldrich
Yow pare! San kayo?
From: Aldrich
Pentagon field.
To the field para makita ang asawa ko!
Pagdating ko dun, nakita koong nakasquat sila Aldrich, Mish, Nique at Jayne. ‘Tong si Aldrich at Mish, sobrang sweet, ba’t di nalang maging sila, noh? Hmm … asan ba ang asawa ko?
“Yow pare! Mish & friends!” bati ko sa kanilang lahat.
“Hey Sage! What brought you here?” tanong ni Nique.
“Si Sab?” tanong ko pabalik.
“Ahhh … hmmm …” sagot ni Jayne at tumingin sa bench sa gilid namin.
Nakita ko si Sab, may kasama siyang lalaki at masaya silang nag-uusap. Nakangiti pa si Sab habang kausap siya at madami siyang sinasabi. Nakakainis lang na ganyan si Sabrina sa ibang lalaki pero sa akin, hindi. Sa asawa nya, hindi siya ganyan.
Nilapitan ko sila pero nakangiti ako kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang pilipitin ang leeg ng lalaki sa sobrang selos ko. Oo, nagseselos ako! Bakit ba!?
“Sab …” tawag ko kay Sab at nginitian siya. Tinignan lang niya ako at bumalik na sa ginagawa niyang parang nagsisketch. Tinignan naman ako na’ng lalaki at tumayo tsaka nakipagkamay sa’kin.
BINABASA MO ANG
The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)
General FictionSabrina Hermaine Arevalo is ought to marry her first boyfriend, love of her life and the only son of her mom's bestfriend, Felipe Sage Zapia III. Everything was perfect for the two, until that one night. Truly, you can't get back words you have alre...