Dedicated to qcian01 :) Thank you so much for liking this chapter! :* Mwaa xx
---
Nine. Past.
SABRINA
Ngayon ay masasabi kong medyo okay na kami ni Sage. Malapit na nyang gibain ang wall na ginawa ko sa pagitan namin. Parang bumalik ang masasayang araw ng ligawan namin noon. Pero mag-asawang nagliligawan.
Ngayon, sabay kaming papasok sa university, uuwi sa bahay, pero hindi pa rin kami natutulog sa iisang kwarto. Hindi man talaga kami gaanong mag-usap pero sa mga galaw namin, okay kami. Sadyang under construction pa lang ang communication namin bilang mag-asawa.
Iilang araw nalang at birthday na niya. Mas matanda si Sage sa’kin ng ilang buwan. Naalala ko nung kami pa, binigyan ko siya ng picture frame ng collage ng mga pictures naming dalawa. Di ko alam kung asan na yun nga yun. Di naman kasi ako pumapasok sa kwarto nya eh.
Ngayon, sinusubukan kong i-sketch ang mukha ni Sage. Ito nalang ang ireregalo ko. Tutal, magpapaparty naman sila mama sa bahay sa birthday niya eh.
Pero kahit anong sketch ko, di ko maayos ang mukha niya. Parang di naman sya eh. Nakakainis lang! Di naman ako nag-abala ng ganito sa regalo nya nung bagong kasal pa lang kami.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Nique at umupo sa tabi ko.
“Wala!” sabi ko at pinunit ang page ng sketchpad na may mukha ni Sage. “Ano bang magandang ibigay na regalo kay Sage?”
“Oh my God! That was sudden, Sab. Bati na ba kayo?”
“Ahh … sa totoo lang Nique, gusto ko nang magkabati kami. Gustong-gusto ko na. Napapagod na rin akong ganito kami. Gusto ko din namang maging normal kaming mag-asawa. Gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto ko yung Sage&Sab lang na walang hadlang,” mahabang litanya ko at napangiti lang si Nique.
“Sabi na nga ba eh, you don’t want your relationship to be in that state. Pero bakit ganun ang trato mo? Dahil sa nangyari noon na wala rin naman kaming alam? Partly, may kasalanan ka rin. You never told him what happened. You didn’t tell him what he did. What if … he has his reasons? Di mo narinig diba? Pinangunahan mo? You overthought? So what do you think would be the best gift, Sab?”
Napayakap ako kay Nique pagkatapos nyang sabihin yun.
Handa na akong balikan ulit ang nakaraan.
Dumating na ang birthday ni Sage at sinabihan ko sila mama na hindi ako makakaattend sa party nila dahil may iba akong pupuntahan. Pinayagan naman ako ni mama kahit wala syang alam kung ano ba ang ihahanda ko.
SAGE
Nandito ang barkada ko sa bahay pati ang pamilya ko at ni Sab pero wala naman si Sab. Tanong ako ng tanong kay mommy, sagot nya naman may urgent project daw. Pinilit ko si mama na sunduin ko si Sab sa university pero sabi nya wag nalang daw.
Nag-inuman lang sa bahay pero di ako uminom dahil balak kong sunduin si Sab. Maingay ang bahay namin ni Sab dahil sa mini-birthday party para sa’kin pero wala naman si Sab. Isa-isa nang umuwi ang mga bisita nang biglang may binigay si mommy sa’kin.
“Ano ‘to, mom?”
“Yan daw ang regalo ni Sab sa’yo eh sabi nya ibigay ko daw sa’yo.”
“Po?”
“Oh? Ano pang hinihintay mo? Sunset para bukas? Alis na! Kami nang bahala sa bahay nyo!” sabi ni mommy at binigay ang susi ng kotse ko.
BINABASA MO ANG
The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)
General FictionSabrina Hermaine Arevalo is ought to marry her first boyfriend, love of her life and the only son of her mom's bestfriend, Felipe Sage Zapia III. Everything was perfect for the two, until that one night. Truly, you can't get back words you have alre...