Thirteen. Someone's back.

37.3K 430 12
                                    

Dedicated to @IAmGlenjen. She made the beautiful cover! Super ganda, diba? So sophisticated. Hehehe! Malayong-malayo sa edit ko. Hehehe! Comment if you like it, guys!

---

Thirteen. Someone’s back.

SABRINA

 

 

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse para lumabas na pero bigla akong pinigilan ni Sage.

“What?” at tinignan ko yung kamay nyang nasa braso ko.

“Ikaw, di mo na ba alam kung paano makipagdate? Dapat nauuna ang lalaki lumabas sa kotse,” sabi nya at kinurot ang pisngi ko.

Napapout ako sa sinabi nya nang bigla nalang nya akong hinalikan sa labi.

“Wag kang magpapapout sa susunod, wife.”

“At bakit naman?” lalo akong nagpout sa sinabi nya.

“Pag di mo tinigilan ‘yang pagpapout mo Sab, baka macheck ko na yung making love in the car’s back seat,” sabi nya at ngumisi sa’kin.

Napatingin ako sa backseat. Ang liit masyado ng space kaya napaismid ako. Ahhhh! Anuba ‘tong iniisip ko?

Lalabas na sana ako nang pinigilan na naman nya ako.

“Eeeeppps!” at nagmadali syang lumabas. Binuksan nya ‘yung pinto sa passenger’s seat at inakay ako palabas. Naglalakad na kami papasok sa mall nang bigla nyang hawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay namin. I wonder how it fits perfectly. Hmm … And I miss these butterflies in my stomach whenever we hold hands before. Whenever we stroll around places just holding hands. This feeling is nostalgic and I can’t believe I’m feeling this again.

“Tumingin ka sa dinadaanan natin, wag sa kamay,” sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

“Hmmmp!” sabi ko at sinakbit ang braso ko sa braso nya.

Pumasok kami sa isang men’s boutique at bumili sya ng mga damit.  Para lang akong umupo dun ng mga 5 minutes at nakapili na sya agad ng 5 pairs ng maisusuot. Grabe! Ganito ba kaboring ang shopping moments ng mga boys? Ang boring naman!

Hindi naman ako masyadong shopaholic pero it does take time to shop, diba girls? We choose the best! Sila, kuha lang tapos titingin lang sa salamin tapos bibilhin agad? Haaaaay …

“Sage, sigurado ka ba sa mga binili mong damit?”

“Huh?”

“Ang bilis mong makapili, kasya ba yun sa’yo, ha?”

“Ang alin?”

“Yung mga damit … tumingin ka lang sa salamin kung bagay sa’yo tapos binili mo na agad?”

“Hon, ganun talaga kaming mga lalaki mamili. We save time!”

“Save time daw? Pano pag bad quality yung mga napili nyo? Ladies choose the best ones!”

“Okay … okay … di na ‘ko kokontra hon,” sabi nya at bigla akong inakbayan. “Bumili ka na ng damit mo … dapat ko na bang ihanda ang braso ko sa mga paper bags na bibitbitin ko? Hahahaha!” tukso nya sa’kin.

“Psssh!”

Pumasok naman kami sa isang sikat na women’s boutique. Umupo agad si Sage sa couch na nakaharap sa fitting room habang namimili ako sa mga nakahanger na mga damit. May nakita akong sundresses and ilang shorts and shirts.

The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon