Dedicated to chopperchopper :) Thank you for supporting my story and liking it! Mwaaaa :*
---
Seventeen. Sensitive.
SABRINA
“Anong ipapangalan natin sa baby, wife?” nakahiga na kami ngayon sa kama at pinaglalaruan ni Sage ang tiyan ko. He’s making circles and massages it tenderly.
“Sage … nasa first trimester pa lang si baby, mamaya na tayo mangalap kung anong ipapangalan natin sa kanya. Hahaha!”
“I can’t help it! I’m gonna be a father! Someday someone will call me daddy and runs inside the house. Aren’t you excited?” tanong nya sa’kin at tumagilid ng higa para makita ang mukha ko.
“Sobra! Sobrang excited but I’m even more happy!” yumakap ako sa kanya and sniffed his neck. Nakakaadik ang amoy ng asawa ko.
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Nakayakap si Sage sa’kin kaya inalis ko ang kamay nya para pumunta sa bathroom dahil gusto kong sumuka.
Kulang nalang yakapin ko ang toilet bowl dahil ayaw tumigil ng pagsusuka ko, hawak-hawak ko ang tiyan ko. Naramdaman kong may humaplos sa likod ko. Si Sage pala. Sumunod sya sa’kin.
“Sssshhh … wife …” paghaplos nya sa likod ko. Naramdaman kong nanghina ako kaya inalalayan ako ni Sage sa harap ng sink. Yumakap ako sa kanya at sya na ang naglinis ng bibig ko.
“Sage?” hinilig ko ang ulo ko sa may leeg nya at inamoy-amoy sya. Hindi pa rin nawawala ang bango nya.
“Hmmm?”
“I love you, Sage …” Binuhat nya ako pagkatapos nya akong punasan.
“Ang mga buntis ba, sweet talaga pagkatapos sumuka? Hahaha!” biro nya at hiniga ulit ako sa kama. Mahina ko syang sinuntok at kinumutan nya ako. “Matulog ka na ulit, Sab. I love you, too!”
“San ka pupunta?” tanong ko dahil bigla syang naglakad palayo sa kama.
“Maghahanda na ako ng breakfast. 6 am na rin, wife. Ako nalang ang magluluto …”
“Pero …” hinawakan ko ang kamay nya. Gusto ko syang katabi. Ewan ko kung bakit pero gusto ko syang katabi, ayokong umalis na sya.
“Hmmm?”
“Dito ka lang, please? Tabihan mo ‘ko …” sabi ko sa mahinang boses.
“Pero …”
“Please?” bahagya nya akong nginitian at agad syang humiga sa tabi ko. Niyakap ko sya agad at inunan ang braso nya. Hinaplos-haplos nya ang buhok ko at maingat na hinahaplos rin ang tiyan ko hanggang sa makatulog ako ulit.
Nabigla ako pagbaba ko nung naghahanda pa si Sage ng pagkain sa mesa. Tumingin ako sa wall clock – 9 am. Sheeeet! Late na kami pareho! Napatakbo ako pababa ng hagdan papunta sa dining area nang bigla namang sumigaw si Sage na kinatigil ko. Mapapagalitan ako nito!
“Sabrina!” at tinignan ako ng matalim. “Ba’t ka ba tumakbo pababa ha? Pa’no kug nadulas ka? Pa’no kung nahulog ka? Pa’no kayo ni baby? Sab naman … dalawa na kayo ngayon …” lumapit sya sa’kin at hinawakan ang mukha ko. “… hindi ko kayang mawala kayo!”
“Sorry …” mahina kong sambit at hinawakan ang kamay nyang nasa mukha ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya at niyakap sya. “Sorry … nataranta lang ako kasi late na tayo eh …”
“Next time … mag-ingat ka na, okay?” Marahan akong tumango at humiwalay sa kanya. Pinaupo nya na ako at hinainan ng pagkain. Madami syang nilagay sa plato ko pero mas nabigla ako nung isang baso ng gatas ang binigay nya sa’kin. Napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)
General FictionSabrina Hermaine Arevalo is ought to marry her first boyfriend, love of her life and the only son of her mom's bestfriend, Felipe Sage Zapia III. Everything was perfect for the two, until that one night. Truly, you can't get back words you have alre...