Kabanata 2

27 2 1
                                    


THEIR BEGINNING

Mahigit isang linggo na akong nandito sa siyudad at hindi pa ako nakakagala. I feel groggy all the time at parang bumabawi pa ako ng lakas mula sa long flight ko isang linggo na ang lumipas.

Ilang bowl na ng Popcorn ang naubos ko. Ilang pakete na ng Lay's ang nasa basurahan, pati Mang Juan pinatos ko na. Ilang bote na ng canned softdrinks ang nasa ibabaw ng center table at pang-anim na yata ang nasa drink holder sa aking upuan sa loob ng entertainment room. 

Dahil sa boredom natapos ko na ang lahat ng seasons ng TVD, nang papasok sa loob ng entertainment room si Nana Alicia, may dala itong tray ng pagkain.

"Inday Dominique..magtatanghali na. Kumain kana, wala kana ginawa kundi magkulong dito sa sine room. Aba'y ang putla-putla mo na oh!" turo nito sa aking labi.

"Pagagalitan ka talaga ng mga kuya mo pag nalaman nilang kain ka ng kain ng junkfoods. Alam mo naman si Nick napaka strikto noon sa iyo! Baka magka UTI ka niyan." marahan nitong paalala habang hinahain sa mesita ang mga laman ng tray.

"Na...kaya ko na hong gawin iyan!" pigil ko rito habang inihahanda na nito ang mga kubyertos.

"Kung aasa ako sa iyo aba'y lalamig na ang pagkain Dai Dom! Alam ko naman na puro junkfoods ang nandito, isusumbong talaga kita sa mga Kuya mo sige ka!" Nana is so cute lalo na ang accent nitong bisaya.

"Oo na. Kakain na nga ako oh.." sabi ko habang palapit sa mesita.

"Ubusin mo iyang hinain ko huh!"

"Oo Nana Alicia.." sabi ko habang papalabas ito ng entertainment room. Ang cute lang ni Nana Alicia. Matanda na ito at pwede nang mag retire pero pinili pa rin nitong magpatuloy sa paninilbihan sa pamilya namin. Anito, kaibigan din nito ang lola ko noon nang buhay pa.

Hindi ako makagala nang ako lang sa buong lugar, pati pagba bike ay papatulan ko na sa loob ng subdivision ngunit nakasunod naman si Mang Jerry sa akin. Utos daw ni Nick sa kanila na bantayan akong mabuti. Hindi daw ako pwedeng gumala ng mag-isa. Buti pa noong nasa Boston ako, mayroon akong sariling kotse at pwede akong mamasyal kung saan. Bakit dito ay hindi pwede?

Seriously? Kaya naman hindi na ako lumabas ng bahay matapos iyon..that was funny but irritating! Habang nag ba bike ako, nasa di kalayuan si Mang Jerry at isa pang guard sa subdivision, nakasakay sila sa isang motorcab.



Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ng makita ko si ate Jessa.

"Miss Dom, dumating na po ang uniform niyo. Paplanchahin ko na lang po tapos ihahatid ko sa kwarto ninyo" sabi nito sa akin.

"Sige Ate Jessa. Kailan po ba ako papasok?" wala akong ka ide-ideya kong kailan ako naenroll ni Nick.

"Sabi ni Sir sa Lunes na daw po kaya nga pina-rush po itong uniporme niyo sa patahian"

"Okey" tango ko at nilampasan na ang babae.

Monday na ang pasok ko? Wala man lang akong gamit? I've got no bags and books and everything. Damn Nick!

Bumaba ako sa kusina at hinanap si Nana Alicia ngunit wala. I went at the backyard, sa pool area. I saw one of the maids watering the plants.

"Te Rashell? Alam mo ba kung saan nilalagay ang susi ng mga kotse?" tanong ko rito. Umiling ito.

"Hindi..Miss Dom, si Manong Roman o kaya ay si Mang Jerry po ang nagtatago ng mga susi ng mga kotseng naiiwan rito sa bahay eh. Bakit po?"

"Aalis sana ako eh"

"Ah..eh..bilin po ng mga Kuya niyo ay hindi kayo pwedeng umalis kapag wala kayong kasama eh."  Oh gosh! Nick and his followers! Damn!

"Tatawagan ko na lang po ang Kuya niyo. Baka sakali pong magpahatid po ng susundo sa iyo. Sandali po" I rolled my eyes. Talagang ganito pa ako tratuhin? Hindi na ako bata! Damn! Sinundan ko na lamang si ate Rashell na pumasok sa loob ng bahay at nasa telepono na ng maabutan ko.

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now