Kabanata 21

10 0 0
                                    


Laid
💕

Dancing sexily with my friends at the dance floor at the midst of the crowd, pawis na pawis si Jeno sa kakasayaw niya sa parang tuod na si Regina na buong gabi lang nakatayo at nakaupo doon kasama kami. Bitbit niya pa ang bote ng flavored beer na may straw.

It's a happy moment na hindi ko malilimutan for sure.

"Chang! Ano na? Ilang set pa ang kaya nating ubusin?" malanding tanong ni Jeno kay Chang.

"Huy! Bakla ka...parang hindi teacher ah, buti na lang Sabado bukas..walang pasok. Kung makainom ito oh, parang camel"

"Stress ako Chang. Ikaw naman, parang hindi stress sa hospital? Gusto ko lang mag enjoy.."

"Shut up. Para namang ngayon lang natin to ginagawa," depensa ni Jeno sa sinabi ni Chang.

"Anyway, before I get drunk let's go back to our table" yakag ko sa kanila pabalik sa aming mesa.

Naupo ang lahat sa pabilog na couch.

"Okey ka lang?" Tanong sa akin ni Chang..

"I would like to tell you something," naintindihan nito ang ibig kung sabihin.

"Ano bang sasabihin mo? Bigla tuloy akong kinabahan diyan"

They intently stare at me habang ukopado ko ang malaking bakante ng couch. Nakadantay ang dalawang braso sa headrest. Silence enveloped us kahit malakas ang tunog ng music sa buong club. Naghihintay sila sa maari kong sabihin.

"What is it?" Untag sa amin ni Almae, impatient while stirring her drinks.

"I passed my admission test in Boston.."

"Where?!" Halos magkapanabay nilang sabat sa sinabi ko.

"Hmmm. Tufts Medical School" tahimik ang aking mga kaibigan na parang bang nag-si-sink pa sa kanila ang naturang balita.

I crossed my legs to the right while gathering my arms, nangalumbaba at hinarap ang mga kaibigan.

"Kailan ang alis mo?"

"Marami pang aayusing dokumento. Sa school. Sa hospital. Para maayos ang transfer ko. My brothers didn't know about my plans in transferring immediately."

"So....you mean, they know nothing about this?"

"Alam nilang nakapasa ako, suportado nila ako, pero hindi nila alam na gusto ko ng umalis agad.." paliwanag ko sa mga kaibigan.

"Bakit urgent? Bakit hindi mo na lang tapusin ang taon? O kaya ang kurso?" tanong ni Andrea.

"Limitado ang oras na ibinigay ng Tufts. Requirements ko na lang ang kailangan para ipagpatuloy ang pag-aaral doon at sisimulan ko na sa Lunes ang pag-aayos non."

"This is actually a good news though, mapapalayo ka sa amin Dom but there are so many means to see you. May Skype, may internet...we can contact her anytime diba?" suhestiyon nito sa aming mga kaibigan na taimtim na nakikinig at tila nag-iisip.

"So...this calls for a celebration?!" di siguradong tanong ni Regine.

"Yes! Of course. So, let's have a toast, for Dom's dreams to be a doctor.." Itinaas ni Jaymark ang bote ng alak na hawak. Agad naman namin pinagtapat ang mga boteng hawak ng isa't isa.

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now