Kabanata 13

15 1 0
                                    

"God will judge our enemies, we will arrange the meeting."

~SEAL_frogmen @devgru

❤❤❤

CALL OF DUTY

Nasa gate ako ng school kasama si Chang while waiting for my sundo. Hindi ko alam kung sino ang susundo sa akin dito.

"How was your night?"

"My night was fun Chang, kayo ang kasama ko diba?!"

"What I mean is the massive, possessive loverboy?!"

"I don't know. He's with a girl. I saw them went home together."

"How do you feel about it then?"

"Wala. W-what should I be feeling anyway?"

"In denial." Tukso nito sa akin, I rolled my eyes at her.

"Well, what am I supposed to feel? Yeah, I think it stinks and I hate it."

"That thing you called that stinks is jealousy" tawa pa nito sa akin. My god, she's annoying.

I looked at my watch it is 5:30 in the afternoon. Himala, walang sumundo sa akin. Wala man lang text. I've got no choice, I dialed Vel's number.

"Hello honey, what's up?" Mas lalo akong na annoy sa endearment niya sa akin.

"Don't honey me please. Where are you? Pwede mo ba akong sunduin?" Alanganin kong tanong sa mambobolang kaibigan ni Kuya.

"I am around Roxas Blvd, hindi kapa ba sinusundo?"

"Obviously"

"Maldita!!" He joked, well, half meant really.

"Will you come here? Or mag tataxi ako tapos etetext ko sayo ang plate number!"

"No. I am coming to get you, wait there hon.." Nawala na ito sa linya.

"Ano iyon? Panakip butas?" Tukso uli ni Chang sa tabi ko. She's now leaning on her car door. Nilalaro ang susi sa daliri. Naiingit ako sa kanila, meron silang sariling kotse at nagdadrive sila ng sila lang patungong school.

"He's flirting with me alam mo iyon? Might as well use that to my advantage.." I smirked.

"Pagalitan ka ng Kuya mong number one possessive."

"No. Sabi naman niya, kahit sino sa kanila pwede kong tawagan basta magpapasundo ako eh.."

"Haiist.. What a bratty little vixen you are my dear!" Biro nito sa'kin habang umiiling-iling.

Ilang saglit pa ang paghihintay namin ni Chang sa labas ng Ateneo ng may pumaradang isang patrol car malapit sa kinaroroonan naming dalawa. Lumabas ang driver non na nakilala kong si Vel.

"Hi Hon!?"

"Seriously? Isasakay mo ako sa patrol car? Do I look like a fugitive?" nasisindak kong tanong habang nakatingin sa prowl car sa harap namin. Tumawa si Chang sa likod ko.

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now