Kabanata 15

10 0 0
                                    

"It takes the best to take out the worst"


BACK AS PROMISED


Tahimik ang buong kabahayan ng dumating ako pasado alas onse ng gabi, medyo maaga lang kaysa sa dati kong oras ng uwi galing sa isang gimik naming magkakabarkada.

Tulog na ang mga katulong sa bahay kung kaya't wala yatang sumalubong sa pag-uwi ko. Inaasahan nilang matatagalan.

Mahirap pa lang mag-isa ka..

Inakyat ko ang hagdan at pumasok sa kwarto. The two cars owned by my brothers are not on the garage kaya I am sure hindi pa sila nakakauwi.

Matapos kong makapaghalf-bath at makapagbihis ng pajamas ay idi-nial ko ang numero sa cellphone ni Nick.

Tatlong ring at walang sumagot. Tumaas ang kilay ko dahil doon, hindi nila ugaling hindi sumagot sa tawag lalo na't ako ang tumatawag.

I tried Nico's number, ilang ring bago nasagot ang tawag. Tiningnan ko muna ang screen kung nasagot nga ba nito ang tawag ko bago ko inilapit ang cellphone sa aking teynga.

"Dam? Where are you? I've been calling you bakit hindi ka sumagot agad? Where is Nick? I've been calling him.." naiinis kong bungad sa kanya sa cellphone. Nakakainis kapag hindi agad ako sinsagot. I am paranoid at kung anu-ano agaf ang pumapasok sa utak ko.

"Sorry. Nandito kami sa Alterado---"

"Alterado?"

"AGH"

"What the fuck are doing in the hospital? Where is Nick? What's happening to you people?" Tumataas ang presyon ko sa sinabi niya. I know I am raising my voice. Pagkarinig ko pa lang sa salitang hospital. Para saan pa't nag-aaral akong maging nurse diba?

"Chill..brat.. Andito nga kami sa hospital. May konting brawl lang sa lugar nina Marcus. May nag-amok doon..but it's all fine now.. We are okey.."

"You said you're in Alterado? Sino ang kasama mo diyan?"

"Yes we are----"

Pinatay ko na ang tawag at nagmadaling isinuot ang aking jacket. Cellphone at wallet lang ang dala ko. Nasa garage pa ang Sorento na gamit namin ni Kuya Jerry kanina.

"Kuya Jerry? Salamat at hindi kapa natututulog, punta po tayong Alterado Hospital po, nandoon po sina Kuya" nagkumahog namang pumasok sa driver's seat si Kuya Jerry.

"Ano daw po ang nangyari Dai Dom?"

"Hindi ko pa po alam Kuya Jerry, malalaman po natin pag dating natin doon"

Matulin ang takbo ng sasakyan dahil hindi na traffic, mag-aalas-dose pa lang ng gabi.

Pag dating namin doon ay agaran akong lumabas sa kotse at napatakbo sa ER ng naturang hospital. Nakita ko sa entrada na nakatayo si JV na tila may hinihintay.

"Hey!" Salubong nito sa akin.

"Sina Kuya?"

"Hindi kana dapat nag-abala pang pumarito, sinong kasama mo?"

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now