Kabanata 39

16 0 0
                                    

Past

Palaging visible si Marcus sa bahay namin nitong mga nakaraang araw. Masaya naman sina Mommy at Daddy dahil nakikipaghuntahan ang mga ito sa kanya dahil nasa trabaho sina Nick at Nico tuwing umaga. Nico has a new condominium, kahit ganoon ay hindi pa rin siya lumilipat doon dahil sa parents namin.

Nick, on the other hand has his house made. Lilipat siya roon kapag ikakasal na.

Oh. Our house was so big and Mommy and Daddy are old. Sino na magiging kasama sa bahay? Mga kasambahay?

"Juice, ija" untag sa akin ni Nana Alicia.

"Na..." Masyado nang matanda si Nana. Halos kaedad lamang ni Mommy.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi tayo nagkakausap nitong mga nakaraan dahil busy ako rito sa bahay.."

"Okey lang Na..." ngumiti ito at hinawi ang buhok ko. Palagi niyang gawain iyon  noong bata pa ako.

"Miss ko na ang dating Dominique. Rito noon, palagi siyang naglalaro. Kinagagalitan palagi nang mga kapatid dahil nagtatampisaw sa swimming pool kahit hikain. At ang hipon na paborito niya sa hapag, naka antabay ang gamot para sa allergy. Ang batang kinagiliwan noon kahit ng mga kaibigan ni Nick... Miss kana nila ng sobra kahit di nila sabihin. Palagi kang nababanggit noon kapag nandirito sila sa bahay, ilang taon ka naming hindi nakasama. At ngayon, nagbalik kana. Ibang-iba kana.... Ibang iba sa batang spoiled noon...."

"Nana Alicia.... Sa totoo lang, miss na miss ko na rin ang batang iyon" iyon lamang at humagulhol ako nang iyak.

Andaming taong nasayang sa buhay ko na makasama sana ang mga kapatid at mga kaibigan. Ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Nana Alicia.  Siya ang tumayong nanay namin nina Kuya noon. Respetado sya sa buong bahay na kahit sino Kuya ay nakikinig kapag siya ang may sabihin sa bahay lalo na sa hapag.

"Na mimiss ko na rin siya Nana... Hindi na siya maibabalik.." Patuloy kong iyak sa kanyang balikat.

"Ano bang nangyari sa iyo ija? Ikweninto ito noon ni Nicole, hindi ko alam na ganoon ang epekto nito sa iyo..."

"Sobrang na miss din kita Na..."

"Sssshhhh.... Magaling na doktor si Kirk, makakatulong siya hindi ba?" alo nito sa akin.

"Oo Na... Tinutulungan naman niya ako. May inrekomenda siyang doktor, at so far, mabuti naman ang nangyayari sa amin. May mga incoming sessions ako sa kanya.."

"Mabuti naman kung ganoon"

I smiled at her. He tucked my lose tendrils on my ears at ngumiti.

"Huwag kana muna uminom ng kape dahil nakakabilis iyon nang tibok ng puso at hindi ka makakatulog. Subukan mo na lang muna ang mainit na tsokolate o kaya ay gatas. Magpapabili ako kay Gerry at Rashell ng Tableya sa Bankerohan mamayang hapon. May suki ako doon.."

"That's sound delicious Nana.."

Nasa lilim ako nang malaking puno nang Lanzones sa likod bahay namin, ilang hakbang mula sa swimming pool. Nag iisang puno iyon sa likod bahay dahil hindi naman kalakihan ang backyard namin, nasa subdivision kami at hindi malaki ang yarda sa likod bahay. Maliit iyon dati ngunit ngayon medyo malilim naman at hindi din gaanong kayabong. . The rays of the shining sun is peeping on its leaves that's swaying because of the slow wind.

Nagising ako mula sa pagkakaidlip dahil sa tunog nang kubyertos at dampi nang malambot na kumot sa aking katawan.

I slightly open my eyes at sinalubong ito nang panghapong araw, I saw the orange skies, seeping through my eyes. Nakakasilaw, ngunit dahil sa mga fish nets sa taas at sa puno ng Lanzones, ay hindi masakit sa balat at walang nahuhulog na mga dahon o insekto dahil nasasala iyon nang malaki at malapad na itim na net na nakaharang...

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now