Kabanata 24

21 1 0
                                    

Chaos

Lumapag ang eroplano sa Tripoli ng alas tres ng madaling araw at bibilang ng ilang oras bago makarating sa Benghazi kung saan doon kami naka base. Lahat ng gamit namin ay isinakay sa isang malaking truck na may nakalagay na red cross sa unahan kung saan may apat na sundalo ang sakay. Habang kami naman convoy at lulan ng tatlong itim na SUV.

Makikita mo sa buong siyudad ang hindi pagkaka-ayos mula sa gyera ilang taon na, wala sa ayos ang mga buildings, wasak ang ibang malalaking establisemento, remnants of war ika nga. Maraming mga batang kalye ang naglalaro sa lansangan na walang mga damit, malnourished kung tingnan, at mga babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada balot ng kasuotang muslim.

Mga batang tuwang-tuwa sa paglalaro sa elise ng sirang helicopter, all of it can be define as chaos.

Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan, lahat nakatuon ang tingin sa nakagilalas na tanawin, Brij then softly tapped my shoulders, napansin ang reaksiyon ko na bahagyang hindi natuwa mula sa mga nakikita.

"You okey?" Mahinang tanong nito sa akin.

"Y-Yes..." sabi ko sabay tango bilang pag sang-ayon.

Pumasok ang sasakyan namin sa isang malaking gate, pribado ang lugar, malalaki ang pader nito na silbing barrier ng naturang compound sa kalye. Nasa highway lamang at madadaanan ng mga sasakyan ngunit kay taas ng mga pader na hindi makikita ng kung sinong tao mula sa labas except sa mga maliliit na siwang na nagsilbing bintana ng naturang pader.

Malaki ang looban ng lugar, malaking compound ang loob kapag nakapasok kana sa malaking gate. Isa iyong private facility, diplomatic office ayon sa babeng nagsisilbing guide namin sa pagdating namin doon.

Kerra Singh introduced us to the security details inside the facility. She even introduced us to the leader of the office.

Doctor's quarter is a bungalow, nakahilera ang mga higaan na tanging kurtina ang partition mula sa isa't-isa. Medyo mainit ang klima ng lugar kung kaya ay nakabukas ang mga ceiling fan sa loob.

"Todd! Tell those men to unload the packages slowly" utos ni Brij sa kay Todd matapos nitong maayos ang mga sariling gamit sa napili nitong pwesto.

Binababa naman ang mga bagahe galing sa truck ng mga tauhan ng nasabing compound.. Ipinasok ito sa loob ng isa pang bungalow na magsisilbing clinic namin.

Maalikabok ang lugar, base sa hagibis ng sasakyang nag u-turn sa loob para sa pag park nito ng maayos.

"This place is 'something' Doc" sabi sa akin ni Shane nang matapos ang pag-aayos namin sa aming personal na mga gamit.

"I don't wanna go down that 'something' Shane, let's go and see the shake", imbita ko sa kanya papalabas ng aming tulugan.

Agad kaming kumilos at naghanda para sa aming trabaho. Inabutan ko ng nag-aayos ang mga kasamahan namin ng aming mga kagamitan mula sa ina-unload na package. Todd is actually doing the inventories for his assigned field.

We were also introduced to the Chief of the Station, si Denzil Runes na kilala sa tawag na 'Chief' base sa ranggo nito. My team was also introduced to the member of the security details at kami ni Brij.

"Good evening Doc, welcome to Benghazi. It's a bit hot now, literally but good terms comes to those who wait. I am Alex, by the way, I am the commander of the security details. Don't worry, your guys will be safe with my guys", he smiled while looking at me. He's friendly and he's not that old though, I wonder, maaasahan nga ba talaga siya?

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now