Kabanata 18

16 1 0
                                    


"I'll wine, dine, intertwine, and sneak out the back door when the refueling is done,"

WIND
📨📨📨📨

Nagising ako dulot ng mahihinang katok sa pinto ng aking kwarto. Hindi ko pinansin pero pursigido ang nasa labas na gisingin ako.

Hindi ito si Nana Alicia, dahil hindi nag-iiingay.

"Bakit?" Paos kong sagot sa kung sino man ang tao sa labas. I look at the digital clock at the top of my bedside table, it says six thirty.

Bakit ako ginigising eh, weekend naman ngayon?

"Miss Dominique? Gising kana po ba?" I heard her. Kilala ko ang mahinahong boses na iyon, that's ate Rashell.

Wala akong choice kundi pupungas-pungas na naglakad para buksan ang pinto.

"Sorry po Miss, nagising po ba kita? Inutusan ako ni Sir Nick na gisingin kayo eh.."

"It's okey ate...tell them susunod ako" saka ko ito pinagsarhan ng pinto. Naghilamos lang ako ng mukha at nagtoothbrush saka ipinusod ang aking mahabang buhok.

Nasa landing na ako ng hagdan ng makita si ate Jessa na may dala-dalang isang tray ng umuusok na kape.

Sumunod ako sa kasambahay na kinukusot-kusot pa ang mga mata dahil sa antok.

Naabutan kong nagtatawanan sina Kuya kasama ang mga maloko nitong mga kaibigan.

Ilang segundo bago ko na realized na wala pa akong ayos sa buhok at magulo pa ang mundo ko, kung kaya'y iniharang ko ang dalawang braso sa aking mukha!

Nakakahiya dahil halos lahat ng bisita nina Nico at Nick ay mamamasa pa ang buhok dahil sa paligo habang ako ay naka loose t-shirt at yoga pants lamang.

"Oh! Ba't mo tinatabunan ang mukha mo?" tanong sa akin ni Kirk habang papalapit ito sa akin mula sa kinauupuang high chair mula sa mini bar ng bahay. Kinuha niya ang dalawa kong brasong nakaharang sa aking mukha.

"Look frogboy! This is a beauty to behold" sabay tawa nito at pinisil ang pisngi ko habang nililingon ang mga kasama nito na prenteng nakaupo sa mga paboritong pwesto nito sa aming sala. Like how I saw them few years back when I got here from Boston.

Nagtawanan lang ang mga kasama nito.

"Tsss.. Ang aga pa ah--andito kana naman?" I am sure galing pa siyang hospital dahil amoy alcohol siya.

"Syempre! Kailangan kong makita ang prinsesang bratt namin bago ako umuwi sa bahay", pigil na naman ang ngiti nito dahil sa biro nitong iyon na alam niyang hindi ko magugustuhan.

"Doc! Magbiro po kayo sa lasing pero huwag lang diyan sa bagong gising..baka bagyuhin na naman kayo rito.." singit naman ni Nana Alicia mula sa pool area ng bahay.

At umulan na naman ng tawanan sa loob ng living room.

Hindi ko alam kung bakit dito na ang naging tambayan ng mga ito kahit may sari-sarili naman silang pamamahay..

"Tingnan niyo nga, busangot na ang mukha ng alaga ko..." Lapit sa akin ni Nana at hinaplos ang namumula kong pisngi dala ng pagpisil ni Kirk.

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now