Minsan

48 3 0
                                    

This poem is dedicated to one of the fellow writters na kasama ko dito sa account.

This is dedicated to Shiro. Hehehe, enjoy reading my first poem.

Sincerely,
Raidene

-------------------------------------------

Minsan naiisip ko

Kapapag nakikita mo ang mukha ko

Ngingiti ka ba ng todo?

At sasabihin mong "siya ang mundo ko"

Minsan gusto kong sabihin

Ang sakit na sa damdamin

Yung tipong ako lang ay hanggang tingin

Kasi hindi mo ako kayang ibigin

Minsan gusto na kitang lapitan

At sabihin ang aking nararamdaman

At minsan gusto kitang sigawan

Ng "Hoy! Nandito ako hindi kita iiwan"

Pero minsan naman ay naiisip ko

Na imposible ang pangarap ko

Dahil palagi syang nandyan sa tabi mo

At isa pa nagmamahalan kayo ng totoo.

-------------------------------------------
So yun na po ang first poem ko. More to come po and thank you sa pagbasa!

Sincerely,
Raidene

Ang babaeng iniwan pero hindi kayo bibitawan.

Bye!

RaideneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon