Sino nga ba ang nawala? Sino ba ang tumakas? Sino ba ang tumakbo?
Ang tulang ito ay para sa inyo.
---------------------------
Wala na, wala na tayong dalawaNawala na ang lahat ng ating pagsasama
Lumipas na ang panahon at ako'y naiwang mag-isa
Naging malamig ako't nag-iba
Nawalan ng emosyon at nawalan ng gana
Parang nawlan na din ng pag-asa
Pag-asa sa tanong kung kaya ko pa bang sumaya
Kaya ko pa nga bang mabuhay ng wala siya?
Sa tingin ko ay hindi ko kaya...
Dahil sa pag-iwan niya sa'kin noong umaga
Noong nawala siya ng parang bula
Hindi ko siya nakausap at hindi nakita
Naiwan akong walang kasama't giba-giba
Ngayon ako'y nagbago na
Nawala na yung taong nagmahal sa kanya
Nawala na yung taong tatanga-tanga
Yung taong sobrang saya kapag kasama siya
Hinding-hindi mo na siya makikita pa
Tinanggal ko na siya sa aking sistema
Sapagkat hindi ko na kaya
Na siya nalang ang palaging iniisip-isip at inaalala
Kaya yung taong yun na ang sunod na nawala
Siya'y aking tinapon, kinalimutan kaya wala na
-----------
RS.