Walang Ganyan

18 0 0
                                    

Ola!

Dedicated po ito sa mga taong lonely...

Hayy...nandito po kami. Hindi kayo nagiisa.

Enjoy!

_____________________________

Nagtatawanang mga magkakaibigan

Magkakahawak na kamay ng mga magkasintahan.

Mga bagay na gusto ko ding masubukan

Mga bagay na hindi ako pinagpalaan

___

Wala akong mga kasama

Kundi ang mga libro sa aking kama

O ang puno na may maraming sanga

At mga ibong kumakanta

___

Wala akong mga kaibigan

Walang masasabihan ng problema't kasalanan

Wala akong masasaligan

Wala akong masasandalan

___

Wala akong especial na tao sa buhay

Maliban nalang sa pamilya kong palaging nandyan para umakbay

Ang buhay ko'y walang kulay

Ang buhay ko ay parang buhay ng patay

___

Palaging lang nagsusulat, palaging mag-isa

Palagi nalang kausap ang sarili't wala ng iba

Wala akong kasama sa aking lakbay

Wala akong kasamang pupuno sa aking buhay

___

Kulang ang aking pagkatao

Parang mga codes at numero

Misteryos at puno ng sekreto

Walang gamot o hindi kayang maayos

___

Hindi na'ko nagaalala sa sarili ko

Dahil nasanay naman din ng isip at puso

Na walang kausap at walang kaibigan

Wala talaga, walang ganyan

_____________________________

Even though we are alone...

We never liked to be lonely.

RS.

RaideneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon