Hanggang tingin nalang talaga
Wala na nga akong magagawa
Wala na talaga akong masasabi sa kanya
Hindi na niya ba maririnig ang araw-araw kong 'mahal kita'
Wala nang epekto sa kanya ang aking mga salita
Hindi ko na siya mapagsasabihan
Hindi ko na siya maiingatan
Hindi ko na mararamdaman
Ang pagmamamahal naming walang kupasan
Kami ay naging usap-usapan
Sa labas man o sa loob ng eskwelahan
Ngunit ako'y masnasasaktan
Dahil parang ika'y hindi naapektohan
Minsan naiisip ko kung ang ating pagmamahalan
Ay totoo nga ba o sadyang laro lang
Dahil parang ako lang ang nasasaktan
Ganun nalang ba talaga? Hanggang tingin nalang?
Hanggang sa layo nalang kita mapagmamasdan?
Naalala ko tuloy nung tayo'y unang nagkita
Isang tingin lang din ang puso ko'y agad mo ng nakuha
Ngunit hindi ko inaakalang ang simpleng tingin
Na nagpahulog at nagpasaya sa akin
Ay kaya din palang sakit ang dalhin
Ang saya papunta sa hapdi ng damdamin
Lahat yun ay nagumpisa sa una at huling tingin.
ShiDene