Pagkawala

5 0 0
                                    

N/A: Hala! Ang tagal kong nawala. Tsk, tsk, tsk. Kasalanan ng clearance signing.

This poem is dedicted to those who are suffering from amnesia. Yung confusion sa mundo, dito nakasulat.

This is a peom about someone who lost their memories.

Special credits to our friend ShenPlaza1.

-------------------------------
Parang totoo pero hindi

Kung kailan masaya ako saka naman binawi

Sino ba sila? Bakit kilala nila ako?

Bakit parang parte sila ng mundo ko?

Paggising sa umaga, pagbangon sa kama

Napagtanto na umaagos na pala ang mga luha

Hindi ko man lang alam kung ano ang dahilan

Hindi ko alam kung bakit parang ako'y nasasaktan

O kung ano man ang aking nararamdaman

Patuloy lang nilang pina-aalala

Yung mga ala-alang kami daw ay magkakasama

Ang mga ala-alang bigla nalang nawala

Sa totoo lang ako'y gulong-gulo

Nakakasakit sa isipan at ulo

Palagi nalang nalilito

Sabihin ba naman bigla sa'kin na kaiban ko daw sila

Paano? Eh hindi ko naman sila kailanman nakita o maaalala

Gustohin ko man pero natatakot akong bumalik sa simula

Hanggang isang araw na gusto kong ipagpatuloy ang aking buhay

Pumasok sa trabaho't di inisip ang gulo na sa'kin ay ibinibigay

Pero hindi ko kinaya't ang isip at puso'y sa huli ay bumigay

Umiwi nalang ako ng malumay

Habang naglalakad ay hindi isaasahan

Na makita ang nahulog sa sahig na larawan

Larawan ng parang magkakaibigan

Mukhang masayang nagtatawanan

Isang tao ang nakapukaw ng atensyon ko

Isang babaeng nakangiti na parang ako

Tapos bigla nalang sumakit ang aking ulo

Merong mga imaheng sa isip ay kumawala

Sa wakas ang ala-ala'y nagbalik na

Ngayon ako'y umiiyak sa saya

Salamat at naalala ko na sila

Lalong lalo na siya

Alam ko kung gaano kahirap ang makalimutan ka

Ang sakit na iyong dinanas nung ako'y nawala

Pero sa huli ay ika'y naghintay hanggang sa ako'y muling maka-alala

------------------------

Yes, I know. Hindi siya ganoon ka 'tragic' but c'mon. Ano pala sa tingin niyo ang mangyayari pagkatapos niyang maalala ang lahat?

That's why...

Bitin okay?

Kaya nga special toh eh.

Not tragic but 'bitin.'

RS.

RaideneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon