Ulan

5 0 0
                                    

Sa kada patak ng ulan

Ay sumasama ang aking mga luha na naguuna-unahan

Sa kada pintig ng puso

Sakit ang palaging dinudulot

Mahirap ang ituloy ang buhay na hindi ka kasama

Pero mas mahirap ang makita kang may kasamang iba

Yung nakikita kitang masaya sa piling niya

At hindi ko iyon nagawa

Hindi ko kayang pangitiin ka ng sobra

Hindi kita kayang pangitiin ng kusa

Pero bakit? Bakit nga ba kita sinisisi?

Diba ako naman ang nagsasabi palagi

Ng 'wag kang mag-alala dahil magiging maayos to sa huli'

Ako ang may kasalanan

Kung bakit pa kasi ako nakipag-pilitan

Kung binigyan nalang kita sana ng hinahanap mong kalayaan

Ay hindi ako lubusang masasaktan

At hindi ako iiyak kasama ang ulan

-ShiDene

RaideneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon