Hi guys!
Tanong lang namin hah.
Nagmahal ka na ba ng kauri niya lang naman pala ang hanap?
😲
Enjoy!
_____________________________
Ang aking pagtingin sa kanya ay iba
Oo, sa kaibigan yun ay higit pa
Matagal na akong maygusto sa kanya
Kaso nga lang iba ang hinahanap-hanap niya
___
Naghahanap siya ng pareho sa uri niya
Lalaki din, oo bakla siya
Ang taong minahal ko ay hindi ako kaya
Tingnan parehas ng pagtingin ko sa kanya
___
Nasayang ang lahat ng pagmamahal ko
Na ibinigay sa kanya ng todo-todo
Ayoko kasing maniwala sa totoo
Ayokong maniwala na hindi niya ako gusto
___
Sa pagmamahal ba, kailangan may ganyan?
Yung iiyak at masasaktan?
Yung hindi siya mawala sa aking isipan?
Pero para sa kanya ay wala lang naman.
_____________________________
RS.