Hello again!!!
Dedicated to sa mga taong tumigil sa pagmamahal...sa mga taong naparaya.
Enjoy!
©©©©©©©©©©©©©©©©
Mahal ilang taon na ba tayo?
Apat na taon na pala, akalain mo?
Pero sa apat na taon ay maynapansin ako
Sa lahat ng kilos at pagmamahal na ibinigay ko sayo
Hindi mo ako pinasalamatan ng todo
Hindi mo 'ko minahal parehas ng pagmamahal ko sayo
At kapag tinatanong kita ng "Mahal mo pa na ako?"
Ni hindi mo ako matignan at sasabihin mo lang "oo"
Mahal, may mali ba sakin?
Kung meron ay sana iyong sabihin
Hindi yung sasaktan mo ang iyong damdamin
At wag mo na sanang isipin
Kung ano ang magiging epekto sa'kin
Nitong pagmamahalan natin
Basta ika'y magiging masaya
Lahat ng sakit ay mawawala
Sana tama ang desisyon na iyong magagawa
Sana hindi ka magsisisi sa pagmamahal ng iba
Sana ika'y maging kontento at maalaga
Sa bago mong mahal dahil hindi ko na kaya
Sana maging masaya ka sa akimg pagpaparaya.
©©©©©©©©©©©©©©©©
So, message lang to sa mga taong gusto na makawala sa relasyong hindi na gumagana.RS.