Hanggang kailan nga ba ako maghihintay?
Hanggang sa pagtanda ba o habang buhay?
Palagi mo nalang kasi akong sinasabihan
Ng 'unti nalang at yung tanong mo'y masasagutan'
Nakatatak na yan sa aking isipan
Dahil sa dami mong ulit ng sagot na iyan
Ngunit minsan ako'y nangangamba
Na hindi mo'ko gusto at may tinitingnan ka ng iba
Pero wala naman akong magagawa
Sapagkat wala naman akong karapatan sa kanya
Wala namang kami diba?
Kaya wala akong karapatang manghusga
Kung mayroong ka nga talagang gustong iba
Ngunit hindi parin maiwasang masaktan
Ng puso ko't nararamdaman
Kapag kayo'y magkasama at nagtatawanan
Habang ako'y nakatingin lamang sa malayuan
Ang mas masakit lang tuloy sa mga ginawa ko
Ay umasa ako sa hindi talaga sigurado
Hindi talaga pwedeng maging tayo
Dahil mayroon ng iba sa puso't isipan mo
Kung saan hindi ako kasali
At kung saan hindi ako kahit kailan magiging parte
Kailan? Kailan pa nga ba noong una kitang niligawan?
Kailan? Kailan ko pa inisip na may pag-asa tayong magmahalan?
Kailan? Kailan ba ako nasampal ng katotohanan?
Kailan? Kailan pa ba ako nagpakatanga-tangahan?
Kailan? Kailan pa nga ba?
Kasi ako... hindi ko na lubusang maalala
Pero ngayon... Ngayon ko lang nalaman...
Ngayon lang tumatak sa aking isipan
Ang lahat ng nasayang kong oras sa kanya
Lahat ng oras na ako'y umasa
Lahat ng oras na napunta lamang sa wala