Dedicated to sa mga taong nakipaghiwalay sa mga girlfriend or boyfriend nila dahil nawalan sila ng pagmamahal.
Gusto ko rin 'tong idedicate sa mga taong nangiwan pero hinahabol parin... because ito siguro ang gusto nilang iparating sa mga ex's nila.
"Sometimes you need to tell someone you ONCED love to wake up and realize that IT'S OVER."
We hope you can relate to this.
-------------------------------------------
Alam kong kasalanan koKung bakit ka nagkaganito
Kung ba't nadurog ang puso mo
Kung bakit ka nalilito
Please lang pakinggan mo
Ang mga sasabihin ko
Wala kang kasalanan dito
Sadyang hindi lang talaga ako nakuntento
Ako ang nangiwan
Ako ang may kagagawan
Lagi mo sana yang tatandaan
Maghanap ka na ng ibang kaligayahan
Dahil hindi na kita kayang bigyan
Wag mo na sana sayangin ang iyong buhay
Kakaayos sa pag-ibig na dati nang patay
Dahil matagal na akong bumigay
Sa atin kaya ako'y nakipaghiwalay
Kaya tumigil ka na sa kakahabol mo sa akin
Ang mga oras mo'y wag mong sasayangin
Sa taong hindi ka na kayang ibigin
Maghanap ka na ng ibang papansin
Sa iyong pagmamahal at ika'y mamahalin din
Dahil pagmamahal ko sayo'y dati pang nawala
Sorry talaga, hindi ko sinasadya
Pero wala na tayo, tanggapin mo na sana
Kaya please lang, tumigil ka na
-------------------------------------------
So we hope you got our message.Please lang, sa mga taong naghahabol parin sa ex nila...
STOP chasing...
STEP into the reality...and...
ACCEPT that it's over.
Ang goal namin dito sa poem ay masampal kayo sa reality na hindi lahat ng tao ay kaya suklian ang pagmamahal niyo, na hindi lahat ng tao ay kaya kayong mahalin pareho ng pagmamahal niyo sa kanila...that your love is not enough.
Thank you very much for reading this.
And a very big thank you again to wattpad for making our RAIDENE poetry book the #604 rank in poetry.
THANK YOU VERY MUCH. WE LOVE YOU!!!
Sincerely,
ShiroWala akong love life, di rin ako naghahanap.