Dedicated 'to sa mga taong nafriendzone.
Sana makarelate kayo!
-------------------------------------------
Magkasama kami kahit saanMagkaibigan kami noon pa man
Siya ay hustong hinahangaan
Siya ang aking munting kaibigan
Mayitsura at napakabait niya
Kaya nga lahat ay tumitingala sa kanya
Ako naman ay ang munti nyang kaibigan
Na palihim din siyang hinahangaan
Ako ang laging nasa tabi niya
Sa saya o lungkot ako'y hindi nawala
Marami nga ang nagsabi sa'kin na
"Ang swerte mo naman at kaibigan mo siya"
Ngunit ang hindi nila alam
Ay napakasakit sa pakiramdam
Na araw-araw ay palagi nalang
Tinatago ang aking nararamdaman
Masakit dahil hindi niya kayang makita
Ang aking pag-ibig at munting paghanga
Hanggang sa isang araw ay may sinabi siya sa akin
"Munting kaibigan mayroon akong aaminin"
Ako'y nagulat, kinabahan at umasa
Na ang sasabihin niya ay mahal kita
Ngunit mali, iba pala, gusto niyo ba malaman ang kanyang sinabi?
"Alam ko ang sikreto mo, sorry pero sa iyo'y kaibigan lang ang aking pagturing."
-------------------------------------------
Huhuhuh...
So, yun na po ang tula, we hope you enjoyed it!
Sincerely,
ShiroWala akong love life, di rin ako naghahanap.