(Dear readers,
We're back!
Whoah! Hahahaha! Ang tagal naming nawala ah? Well, kakatapos lang namin sa lahat ng problema sa school so may time na kami sa pagsulat ng poetry.
More updates to come! Hahaha it's good to be back! Hahaha!)
Dedicated to sa...well, sa mga taong nagmahal ng taong may-iba.
Enjoy!
-------------------------------------------
Mahal na mahal ko siya
Simula noong dati pa
Kaso nga lang ay may-iba
Na nagmamayari sa kanya
Kahit na masakit sa puso
Kahit na luha ay palaging tumutulo
Puso'y siya parin ang tinuturo
Ano nga ba ang magagawa ko?
Wala diba? Kung meron ay sabihin niyo
Nakakapagod at nakakasawa
Na palagi nalang magmukhang kaawa-awa
Napakasakit sa damdamin na makita
Ko kayo na palaging magkasama
Pero wala akong magagawa kundi ang lumuha
Dahil sa sakit na aking nadarama
Pakisabi sa'kin kung ito'y parusa
Kung ganoon nga ay hanggang kailan pa?
Hanggang kailan pa ang aking pagdurusa?
Sabihin niyo nga kung kasalan ba...
Ang magmahal ng taong may-iba
-------------------------------------------
RS.