Kausap ang Buwan

15 0 0
                                    

Nasubukan niyo na ba ang masaktan?

Sino ba ang kausap niyo nung nasaktan kayo?

Wala ba kayong mapupuntahan?

Kung ganon ay sa buwan din kayo tumakbo...

Pareho ng babae dito sa kwento.

Enjoy!

©©©©©©©©©©©©©©©©

Magandang buwan, magandang gabi

Nagpapaalala ng mga alaala naming marami

Napakasaya at napakasakit

Gusto ko sanang balikan ngunit

Hindi ayon ang tadhana sa amin

Buwan, maganda na palagi kang tingnan

Nakakapasaya at nakakapagpakalma ng kalooban

Siguro masaya ang maging parehas mo nalang

Walang ibang ginagawa kundi magpailaw sa gabi at kadiliman

Hindi pareho ng buhay kong walang tutunguhan

Walang rason at wala na akong mapupuntahan

Wala ng siya na andyan para sa'kin

Wala ng masasayang alaala na pwedeng gawin

Wala na kaming pag-ibig na lihim

Wala ng saya ang pag-ibig namin

Kundi puro sakit nalang ang kayang dalhin

Buwan, ikaw nalang ang kausap ko

Sana ay kaya mo din ang kausapin ako

Sana pwede mong mapagaan ang sakit sa aking puso

Dahil parang hindi ko na kakayanin to

Buwan, sana naman pakinggan mo ang pakiusap ko sayo

#########################

RS.

RaideneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon