Kalalabas ko palang ng bathroom nang bumukas ang pinto sa kwarto ko at pumasok si Asi.
"Aza, pahiram ng damit. No questions. Thanks." Hindi pa ako nakakapagsalita, pumasok na siya sa walk-in closet ko.
Napabuga nalang ako ng hangin. Sanay na ako diyan. Lagi namang ganyan si Asi kapag 'wala' na raw siyang masuot sa mga damit niya.
Hindi ko nga siya maintindihan. Halos pumutok na ang walk-in closet niya tapos sasabihin niya na 'wala' siyang masuot?
Maya-maya, lumabas na siya bitbit ang isang kulay blue kong knee-length dress. Lumapit siya sa'kin.
"I'm borrowing this, okay? Thanks, sissy." Hinalikan niya ang pisngi ko. Palabas na siya pero huminto siya sa may pintuan. "By the way, sabay tayong papasok. Wait for me." At tuluyan niya nang sinarado ang pinto.
Pumasok na ako sa walk-in closet ko at naghanap ng pwedeng masuot. In the end, isang white pants, red blouse at black flats ang nasuot ko. Kaunting pulbo at ayos ng buhok... and I'm done.
Hindi ako katulad ni Asi na kulang ang isang oras sa pag-aayos.
You will see the true beauty of a girl in her simplest look.
No makeups, no stylist dresses, no expensive accessories. Just plain old self.
I'm not saying that Asi is not pretty. She's pretty. No, she's gorgeous. Mas maganda pa nga 'yon sa'kin.
Bumaba ako bitbit ang backpack ko. Nasa living room si Dad at Mom. Nanonood silang pareho ng TV. Tumabi ako kay Mom at nakinood narin habang hinihintay si Asi.
"Asi's with her ritual again?" My mother asked, her eyes still on the TV screen.
"That's something we cannot change about Asi, mom. She always dress to kill." Doon humarap sa'kin si Mom.
"You watch your sister, okay? Your dad and I don't trust any of her boys. We just don't want to upset her." Tumango ako at ngumiti.
"I know Asi wouldn't settle for anything less, but sure, I'll be watching her anytime I can." Sinabit ni Mom ang bangs na humarang sa mukha ko sa likod ng tainga ko.
"I don't know why your sister wastes her time putting something on her face and skin. You two are beautiful. Even without makeups." Ngiti niya.
"Of course, you'll say that. You're our mother." Tumatawang sabi ko. Nagkulitan kaming dalawa hanggang sa bumaba na si Asi.
As usual, ngiting-ngiti nanaman siya. Kinang na kinang ang ganda niya. Bakit parang no'ng ako 'yong nagsuot ng asul na dress ko, hindi gano'n kaganda pero habang tinitignan ko si Asi na suot 'yon, napakaganda pala no'ng dress! Is there something wrong with me?
"Anak, dahan-dahan sa pagngiti. May bukas pa." My father teases. Ngumuso naman si Asi pero lumapit din sa'min.
"Come on, Aza. We're going to be late." Hinatak ako ni Asi habang kumakaway siya sa parents namin. "Bye, mom. Bye, dad. Love yah!"
Pumunta kami sa garahe at huminto sa tapat ng isang kulay pulang Cadillac 2016 Sedan.
Kaya masayang-masaya itong si Asi. First day of school, first time niyang magagamit ang bago niyang sasakyan. My dad brought this for her on our 22nd birthday last May. Ako, libro lang ang pinabili ko. My dad won't let me drive and besides, books are my life.
"You sure are excited driving your new car."
Ngumisi siya at binuksan ang pinto sa driver's seat.
"You have no idea."
Pumasok na siya kaya pumasok narin ako sa front seat.
Totoo ngang maganda ang kotse ni Asi. Mula sa labas hanggang sa loob. Paniguradong maiinggit nanaman ang mga kaibigan niya sa kanya.
Pinaandar niya na ang kotse paalis sa garahe at palabas ng malaking gate namin. Ngiting-ngiti siya habang nagda-drive.
"Sabay ba tayong uuwi mamaya?" Tanong ko no'ng medyo nakalayo na kami. As I've said, hindi ako hinahayaan ni Dad na magdrive kaya lagi akong nagko-commute tuwing may lakad si Asi.
"I'll drive you home bago ako umalis, Aza. Just text me kapag tapos na ang klase mo," simpleng sabi niya. Tumango ako at tumingin sa labas.
Asi and I are twins. Kaya nga hindi ko maintindihan minsan kung bakit parang mas maganda siya sa'kin. Is it her long wavy hair? Pareho kaming blonde pero ang kanya ay mahaba tapos maikli ang sa'kin. My hair is a slightly wavy bob. Nakuha namin 'yong wave at pagiging blonde sa Mommy namin. Pinagupit ko ang akin para hindi ako nag-aabala sa pagsuklay sa mahabang buhok.
Asi is taking up Business Ad. Siya kasi ang mamamahala sa company na pinamamahalaan ni Dad ngayon sa oras na magretire na si Dad. I'm taking up AB in Literature. Since I love books, reading and writing became my passion.
Pagpasok palang namin ng gate ng Jovian University, napapatingin na kaagad ang mga estudyante sa kotse ni Asi. Mukhang tuwang-tuwa naman ang kambal ko sa nakukuhang atensyon ng kotse niya.
Doon kami nagkaiba ni Asi. My sister loves attention but I prefer to be one of the crowds. Ayaw ko kasing nakatuktok ang mga tao sa galaw ko. Naiilang akong gumalaw. Asi screams pure confidence in everything that she does.
Tinanggal ko ang seatbealt ko no'ng huminto ang kotse ni Asi.
"Magkita nalang tayo rito sa tapat ng kotse mo. I'll text you," sabi ko, binuksan na ang pinto sa side ko.
"Okay. Take care, sissy." Hinalikan ni Asi ang pisngi ko. Kumaway ako sa kanya no'ng makababa ako at tumakbo na papunta sa building kung nasaan ang room ko.
Asi may be a bitch but she never bitch out on me. Lagi kong naririnig ang reklamo ng ibang babae sa kanya pero hinahayaan ko nalang. She can fight her own battle, but I made sure she knew that I'm here when she needs me.
Tinignan ko ang oras at maaga pa naman pero mas gusto kong tumambay sa classroom kaya tumatakbo ako. Umaalog pa ang backpack sa likod ko dahil sa pagtakbo ko.
Huli na nang mapansin kong may tao pala sa harap ko kaya bago pa ako makatigil sa pagtakbo, bumangga na ako sa malapad na likod ng babae sa harap ko.
"What the fuck?!" He roared.
I frown. Akala ko babae.
Humarap sa'kin ang isang lalaking may kulay gray na mata. Nakakunot ang noo niya at hindi niya na kailangan pang magsalita para lang malaman ko na galit siya.
"I-I'm s-sorry. I didn't mean to bump on you." Hindi ko man aminin, alam kong natatakot ako sa aura niya. Sa itsura niya ngayon, alam kong kaya niyang pumatay ng tao.
Akala ko talaga babae siya. He has a dark wavy brown hair that reached his shoulder. Mas mahaba pa ang buhok niya sa'kin. Ang taray din ng kilay niya. Kahit yata hindi ito nakakunot, mukha parin siyang galit.
Tinitigan niya ako bago unti-unting nawala ang pagkunot ng noo niya. Tumiim ang panga niya at tinignan ako ng mariin. His dark grey eyes are piercing through my soul.
"May mata ka para tignan ang dinadaanan mo. Kung hindi mo rin naman pala gagamitin, you should've just donated it to someone who badly needs it." Mataray na sabi niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya.
Mukha siyang walang idudulot na mabuti sa'kin. Kahit gaano pa nakakaakit ang kulay pulang labi niya, hindi parin no'n naalis ang pagiging bad boy ng itsura niya. Halata ring masungit siya dahil narin sa mataray niyang kilay.
"Nagsorry naman na ako. I told you, hindi ko sinasadya. I was—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko, tinalikuran niya na ako.
Bastos.
Umirap ako kahit hindi niya na ako nakikita.
So taray naman this guy.
BINABASA MO ANG
The Demon's Heart
General Fiction"The only way to tame a demon is to get his heart." He has his demons. And those demons made him one of them. Now, everyone knows that he is a demon. He doesn't care, though. He wants all of them to be afraid of him. They should be. He can trash any...