XVI: Go home

60 1 0
                                    

Azalea's POV

Maaga akong nagising nang araw na 'yon. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Feeling ko may magandang mangyayari.

Mabilis akong nag-ayos at bumaba na para kumain. Nadatnan ko si Dad na nanonood habang inaayos ang necktie niya. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning, Dad," bati ko.

"Good morning, Aza. Sit here. Malapit na raw maluto 'yong almusal sabi ni Mommy."

Umupo ako sa tabi niya at nakinood sa kaniya ng balita. Tungkol 'yon sa nagbanggaang jeep at motor. Sabi sa balita, dead-on-arrival daw 'yong driver ng motor dahil wala itong suot na helmet.

Hindi ko alam kung bakit si Braxon kaagad ang unang pumasok sa isip ko. I remembered that whenever we ride his motorbike, I'm always the one wearing the helmet. Ayaw niyang pumayag na siya ang magsuot at hindi ako. Hindi naman kaskasero mag-drive si Brax. Laging mabagal ang takbo ng motor niya sa tuwing ihahatid niya ako.

But still, you can't tell when accident will happen. Prevention is better than cure, right? Napangiti ako sa naisip ko. I will buy him a new helmet. Para may magamit siya sa tuwing ihahatid niya ako. Mas mabuti nang dalawa kaming safe.

Ilang sandali lang, tinawag na kami ni Mommy para kumain. Si Dad ulit ang naghatid sa akin dahil doon din naman ang way niya papunta sa main office ng Euphoria.

Katulad ng nakasanayan, nakaabang na si Braxon sa may gate ng Jovian University. At dahil siga siya, hindi na siya nagpaalam nang kunin niya ang backpack at mga librong dala ko. Sanay na ako. Lagi naman siyang ganyan.

"Braxon..." Tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami. Lumingon naman siya sa'kin. Masungit nanaman ang kilay niya. "Hindi ako makakasabay sa'yo umuwi mamaya."

Napatigil siya sa paglalakad at kumunot ang noo niya.

"Why?"

"May pupuntahan pa kasi ako."

Hindi naman ako nagsisinungaling. Bibili ako ng helmet niya. Ayaw ko lang sabihin sa kaniya kasi gusto ko siyang i-surprise.

"I can drive you wherever you want to go," pamimilit niya pa.

"But I don't want you to know where I'm going," I honestly said. Hindi ko talaga ugaling magsinungaling. Hindi lang talaga maiiwasan minsan.

It's hard to be sensitive and honest. There's a chance that you can offend someone because of honesty. Kaya minsan nahihirapan ako at wala akong choice kun'di ang maging sinungaling. Mas gusto ko kasing maging sensitive sa feelings ng iba kaysa maging honest.

"And why is that?" Dumilim na ang mukha niya. He didn't like what I said. See? I told you it's hard to be honest sometimes.

"Please? I want to do this alone. I'll text you from time to time if that'll make you feel better." I smiled. Pero hindi man lang nagbago ang anyo niya. Masama parin ang tingin niya sa'kin.

"I don't want your text when I can be with you, Azalea. What are you up to? Tell me." Balik na ulit siya sa pagiging bossy niya.

Bumuntong hininga ako. Why is he making this hard for me? I just want to surprise him.

"Braxon, please?" Sinubukan kong magpaawa. "Isang beses lang talaga 'to. Pangako! Sige na... Besides, may class ka pa until 5 PM. Hindi ba sabi mo may make-up class kayo dahil wala 'yong professor mo for one week?"

Usually, 3:30 PM lang ang dismissal ni Braxon tuwing ganitong araw pero dahil may make-up class siya, 5 PM ang uwi niya ngayon. Habang 4 PM naman ang tapos ng klase ko.

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon