I: I'm angry

96 2 0
                                    

Azalea's POV

Pumasok ako sa unang klase ko. Mabuti nalang at wala pang professor. 'Yong lalaki kasing mataray at mas mahaba pa ang buhok sa'kin, binawasan pa 'yong oras ko dahil sa pagtataray niya.

I know it's my fault. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko pero kailangan ba talagang sungitan niya ako? I already apologized. Isn't that enough?

Nakanguso ako habang nakatulala. Iniisip ko kasi na baka may pinagdadaanan 'yong lalaking 'yon kaya gano'n kung umasta.

"Aza!" Napakurap ako no'ng may pumitik sa noo ko kasabay ng pagtawag sa pangalan ko.

"What?" Gulat na tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.

"What's wrong with you? May problema ba?" Biglang lumaki ang mga mata niya na parang may nadiskubre siya bago lumungkot ang mukha niya. "Is it about Brax? Don't worry, Aza. I will protect you until my last breath."

I frown because of what she said.

"Protect me from whom, Nelly?"

"From Brax, of course." She rolls her eyes.

"Brax? Who's Brax?" Hindi ko na talaga maintindihan si Nelly. I don't even know that Brax guy. Bakit kailangan niya akong protektahan mula roon?

"The guy you bumped into. I've heard what happened. You don't have to worry, okay? We got this." Hinawakan pa ni Nelly ang dalawang balikat ko habang nakatingin sa'kin na parang nakakaawa ako.

"Cornelia del Rosario, what are you talking about? Why do you need to protect me? Can you enlighten me, please?" I said with exasperation. Hindi ko na kasi talaga naiintindihan. And the way she says it, she makes me feel that I'm in deep trouble.

"She needs to protect you because after what you did to Brax, you should consider yourself dead. Poor little Aza," Jessica, my sister's rival, said. Napakunot ang noo ko no'ng makita ko siya sa loob ng classroom ko.

"Bakit ka ba nandito, Jessica? This isn't your class," Mmatapang na sabi ni Nelly. Jessica raised her eyebrow.

"I'm just checking if your dear friend is still alive. Why don't you call your sister? Maybe she could help. Oh... I forgot. She's busy fucking every guy in this school." She grins. Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

"'Wag mo nga itulad si Asi sa'yo. My twin sister can make guys drool in just one wink. Ikaw? Kailangan mo pa munang ipakita lahat ng meron ka bago mo sila mapahanga. You're the... desperate one!" Nanggigigil na sabi ko. I can endure their insults about me but I won't let them insult my sister in front of my face.

Lalapit sana siya sa'kin pero pinigilan siya ng ibang tao na nasa loob ng classroom. Doon ko lang napansin na marami na palang tao sa loob at mayroon pa sa labas. Napatayo ako at tinignan sila isa-isa. Lahat sila nakatingin sa'kin na parang ito na ang huling araw ko. Ano bang mga problema nila?

"You bitch! After Brax beats the living shit out of you, ako ang unang tatawa." Tumayo siya ng maayos at tinuro ang mga tao sa paligid namin. "Look at them, they're all here to see you. Naawa sila sa'yo. They all know what Brax will do to you. Brax will find you and when he did, hihilingin mo na sana hindi mo nalang siya nabunggo." Then she walked out with her friends.

Unti-unti ring nawala ang mga tao at naiwan kaming dalawa ni Nelly na nakatingin sa isa't-isa. Nakatingin parin siya sa'kin gamit ang naaawang expression.

"Stop looking at me like that, Nelly. I'm not in trouble, okay? I apologized to him. Besides, kung talagang gusto niya akong saktan, ginawa niya na 'yon kanina. He had all the chance to beat me but he didn't." Hindi ko alam kung kay Nelly ko ba sinasabi 'yon o sa sarili ko. Honestly, natatakot din kasi ako. I know he can beat me to a pulp.

Kanina no'ng makita ko palang siya, alam ko na kaagad na may hindi mabuti sa kanya. May aura siya na parang sinasabi sa'kin na 'wag akong lalapit sa kanya kung ayaw kong mapahamak.

But can he really do that? Kaya ba ng konsensya niya na patayin ako dahil lang sa nabunggo ko siya? Come on, no one's perfect. Even he can make a mistake. Bawal bang magpatawad?

"I just want to be sure, okay? You're my only best friend. I don't want anything bad happen to you. Stay away from him, Aza. As much as possible, 'wag kang magpapakita sa kanya. This is for your safety." Alam kong hindi nagbibiro si Nelly. Lahat ng sinabi niya, seryoso siya. She wants me safe.

I nod.



Braxon's POV

"Bro, 'zup? Any plans for Azalea?" Salubong kaagad sa'kin ni Lazarus pagpasok ko ng classroom.

Tamad akong tumingin sa kanya bago umupo sa isang sulok.

"Who the fuck is Azalea?" Pinatong ko ang paa ko sa upuan sa harap ko bago pumikit.

And I saw it again. Those dark eyes. Nagmumukha siyang manika dahil sa kulay black niyang mga mata. They were large and innocent. With her pointed nose and pink lips, manikang-manika ang itsura niya. She has pale skin and short blonde hair.

"Brax! You with me, bro?" Napadilat ako nang marinig ko nanaman ang boses ni Lazarus.

"Ano bang kailangan mo? You talk a lot. Daig mo pa ang babae." I hate people who speaks a lot. Ang ingay kasi.

"All I'm saying is spare the poor lady, Brax. Azalea is one fine girl. Sayang naman kung hindi mapapakinabangan ng dahil lang sa pagbunggo niya sa'yo." I glared at Lazarus. I don't think I like the way he speaks about that girl.

So, Azalea is her name. It suits her. Babaeng-babae.

"Shut your fucking mouth, Lazarus. I don't want to hear you talk about her again." I darkly said. Hindi na siya umimik at lumayo nalang.

Kilala niya ako. Kilala nila ako. They won't like it when I'm pissed.

Natapos ang nakakaantok na klase at nagpaunahan palabas ang mga tao sa loob ng classroom.

They're scared of me and I like it. That's how it should be. Dapat alam nila na ako ang taong hindi nila hihilinging makalaban. I make my own rules and they don't have a fucking choice but to follow it.

"Mauna na ako, bro. May next class pa." Tumango nalang ako kay Lazarus. He's the only friend I have. He knows me well kaya nagkakasundo kami. He knows when to back off.

Lumabas na ako at dumiretso sa cafeteria. All these thinking about the Azalea girl is making me hungry.

Pipila palang ako, nagsialisan na ang mga nakapila. Nagkibit-balikat nalang ako at umorder na. Kumuyom ang kamao ko dahil sa tagal ng pagbigay ng sukli ko no'ng babae sa cashier dahil nanginginig siya. Nakita niya yata 'yon dahil mas lalo siyang nanginig. What the fuck is wrong with her? Wala naman akong ginagawa sa kanya!

Naghahanap ako ng table no'ng magsialisan ang isang grupo mula sa table nila. Mukhang hindi pa sila tapos kumain pero umalis na kaagad. Anong problema nila?

Umupo ako roon at kumain mag-isa. I have high senses. I can feel when someone is looking at me. I looked around only to come across with those beautiful round eyes which shouts innocence and pureness.

Namilog ang mga nito no'ng magtagpo ang tingin namin at dali-dali siyang tumalikod at umalis.

I know I want people to be scared of me, but why do I feel pissed when I saw fear in her eyes?

Bakit siya matatakot sa'kin? Wala akong ginagawa sa kanya. Siya pa nga ang may kasalanan sa'kin.

Maybe that's why she's scared. Iniisip niya sigurong may gagawin akong masama sa kanya.

The thought of her scared of me made my blood boil. She shouldn't be scared!

"Fuck it!" I shouted. Hinawi ko ang tray na may lamang pagkain kaya nalaglag ito at natapon ang laman.

Napatingin sa'kin ang mga tao sa cafeteria. Sinamaan ko sila lahat ng tingin.

"What are you all looking at?" Inis na sabi ko. Sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin.

Umalis ako roon at tinadyakan ko pa ang basurahan bago ako lumabas.

I'm angry and I don't know why.

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon