Azalea's POV
Nagising ako mula sa pagkakatulala no'ng makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko.
"Aza, darling, it's me..." Narinig ko ang boses ni Mom mula sa kabilang bahagi ng pinto.
"Come in, Mom." Bumukas ang pinto ko at pumasok mula roon si Mom. Nakangiti siyang naglakad papunta sa'kin at umupo sa gilid ng kama.
"How's first day? Asi's gone again?" Umayos ako ng upo at ngumiti ng pilit.
"Today's fine. Just the usual. And yeah, Asi's going out with Reby. May bagong bukas daw kasing bar."
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi naghihigpit sa'min ni Asi ang mga parents namin. I mean, look at Asi, pwede siyang mag-bar kahit kailan niya gusto. Kahit hindi siya umuwi sa bahay, ayos lang. Sila Dad pa nga ang bumuli ng condo unit niya. Hindi sa nagrereklamo ako. Nagtataka lang ako kung bakit ganito umasta ang parents ko.
"You know, Asi reminds me of myself when I was your age. Gustong-gusto ko rin ng party at alcohols. That's what makes me alive. Sabi ko na nga ba mamamana sa akin ni Asi ang pagiging party girl ko noon. That's why your Dad was so mad at me when I let Asi do what she wants." Hinaplos ni Mom ang buhok ko.
"Bakit mo siya hinahayaan? Alcohol's not good, Mom. And Asi has too many boys. Hindi ka ba natatakot na baka magkaroon ka kaagad ng apo?" Nagtatakang tanong ko.
Sino bang magulang ang gustong mabuntis kaagad ang anak niya nang hindi pa nakakapagtapos?
"Don't you want a niece or a nephew?" Biro ni Mom. Sinimangutan ko lang siya. "Kidding aside, Asi is just like me, Aza. Sa'kin niya nakuha lahat. That's why she's smart enough to know what's right and wrong. Ayokong ikulong siya sa bahay dahil alam ko kung gaano ko na-enjoy ang buhay-dalaga ko. I want you both to enjoy it, too. Kaya kung gusto mong magparty, ayos lang sa'kin, Azalea. I'm not against it."
"I'd rather stay here, Mom. I got all I need right here. These are what makes me happy." Nilahad ko ang kamay ko sa nakakalat na libro sa kama ko. Hindi lang 'yon isa. Marami sila.
"You're so like your Dad," nakangiting saad niya. Ngumiti rin ako at niyakap siya.
Nagkwentuhan kami saglit bago siya lumabas ng kwarto ko.
Lagi kaming gano'n. We always talk every once in a while. It helps, though. Nakakagaan ng loob kapag nakakausap ko si Mom.
Huminga ako ng malalim at inisip nanaman ang iniisip ko bago pumasok si Mom sa kwarto.
Paano ko ba iiwasan si Braxon?
I've been thinking about it for hours. Kanina, iwas na iwas na ako pero nakita niya parin ako. Hindi lang 'yon, nakausap pa. No'ng hinawakan niya ako, grabe ang takot ko. Baka kung anong gawin niya sa'kin. He's scary. Very scary.
Dahil sa pag-iisip, hindi ako nakatulog ng maayos. Panay ang ikot ko sa kama para lang makahanap ng tamang pwesto.
Wala na akong nagawa nang marinig kong tumunog ang alarm ko. Tatlong oras palang ang tulog ko. Mukha nanaman siguro akong panda nito.
Tamad na tamad akong pumunta sa bathroom sa loob ng kwarto ko para maligo. Nagpasya akong magsuot ng hoodie at pants. Magagamit ko rin 'tong hoodie para makapagtago. Thank God, civilian attire lang kapag first week ng school year.
"Azalea, sinubukan mo nanaman bang mag-eyeliner?" Sabi ni Dad no'ng umupo ako sa gilid niya para kumain.
"Dad naman," I whined. Ayokong pinapaalala niya sa'kin 'yon.
Noon kasi, sinubukan kong gayahin si Asi. Nagmakeup ako kaso hindi ko talaga kaya. Eyeliner lang ang nilagay ko at dahil hindi ako marunong, kumalat siya no'ng kinuskos ko ang mata ko.
BINABASA MO ANG
The Demon's Heart
Fiction générale"The only way to tame a demon is to get his heart." He has his demons. And those demons made him one of them. Now, everyone knows that he is a demon. He doesn't care, though. He wants all of them to be afraid of him. They should be. He can trash any...