XXIII: Pleading

46 0 0
                                    

Azalea's POV

"Pasok ka, Azalea. Do you want something to drink? Perhaps coffee? Tea? Softdrinks?"

"Okay lang ako, Lazarus. Dapat hinatid niyo nalang ako sa bahay." I tried to smile at them.

"We'll talk, bessie, okay? I'll just change my clothes." Marahang sabi ni Nelly bago siya naglakad papunta sa kwarto. "Laz, give her some water. Magbibihis lang ako."

Nang mawala si Nelly sa paningin ko, bumaling ako kay Lazarus at medyo nagulat pa ako nang maabutan ko siyang nakatingin sa akin. May pananantya ang pagtingin niya at parang sinusubukang alamin ang iniisip ko.

It kind of reminded me of Braxon. Ganiyan din siya kung tumingin sa akin kapag alam niyang may mali. Magkaibigan nga sila.

"Upo ka muna, Aza. I'll get you something to drink."

"Really, I'm okay, Laz. Thank you." Umupo ako sa isang sofa sa sala ng condo unit ni Lazarus.

Tumango si Laz pero pumihit parin siya papuntang kusina.

Nang malaman kong hindi matutuloy ang date namin ni Braxon, nagkaroon ako ng pagdududa sa mga salita niya. I value promises so much. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na 'promises are made to be broken'.

A promise is a promise. Dapat tinutupad iyon. Ano pang magiging halaga ng pangako kung hindi rin naman pala matutupad, hindi ba?

Nagulat ako nang maabutan ko sina Cornelia at Lazarus sa may parking lot ng university. Tinanong ko sila kung bakit sila nandoon. Ang sagot nila, pinasundo raw ako ni Braxon sa kanila.

Mas lalo lang yatang sumama ang loob ko dahil sa sinabi nila. Alam kong dapat na akong magpasalamat dahil kahit papaano ay inaalala parin ako ni Braxon pero hindi ako makaramdam ng kasiyahan.

I remembered how excited I was, thinking about the things we could do on our date. And now, all I could think about is the disappointment I've felt when Tim told me that Braxon is cancelling our date. Masakit pala talagang umasa.

Hindi ako masyadong nagsasalita habang nasa loob kami ng kotse kahit panay ang tanong ni Nelly sa akin. She immediately knew that something was off. Kaya dinala nila ako rito sa unit ni Laz. Gusto raw nila akong kausapin.

Marahang nilapag ni Lazarus ang isang baso ng tubig sa coffee table na nasa harap ko. I murmured my gratitude before I sipped some water.

"No offense, Azalea, but I've never seen you this unhappy before. Nakita na kitang matakot, mahiya, at maging masaya. Pero ang maging ganito ka-lungkot..." He trailed off. Umiling siya at bumuntong hininga. "I don't want to meddle, but is there something wrong between you and Braxon?"

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa tanong niya. Bagay nga sila ni Cornelia. Masyado silang... curious... sa mga bagay sa paligid nila.

"Honestly, I don't think we're fine." Binaba ko ang tingin ko. "Maybe this is my fault. Alam mo kasi, wala pa akong masyadong alam sa mga ganito. And I think I'm being... irrational."

I nod as if trying to convince myself that what I said was right. That maybe... I'm really at fault here.

"Azalea, don't blame everything to yourself. Relationship involves two person. Kaya kung may mali man sa relasyon, dalawa parin ang may kasalanan. Hindi isa lang."

"Hmm... I didn't know you believe in relationships. I'm not entirely naïve now. I know your type of boy." I tease him. He gave me a shy smile as he scratched his nape.

"Huwag kang naniniwala sa mga naririnig mo. Some rumors are not true."

"I know. I'm just teasing you..." I smiled.

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon