II: Don't

86 2 0
                                    

Azalea's POV

"Migash! Aza!" Umalingawngaw ang boses ni Nelly sa buong hallway. Sinara ko ang locker ko at hinarap siya. Tumatakbo siyang pumunta sa'kin habang paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan ko.

"What's with the shouting? You got yourself into trouble again?" I raised a brow.

Umirap siya habang hinahabol ang hininga niya.

"YOU got yourself into trouble! Aza, bali-balita, nagwala raw si Brax kanina sa cafeteria. And he looked pretty pissed. Migash, Aza. What are we gonna do? Brax might find the both of us!" She hysterically said. She started pacing back and forth, saying things I couldn't even follow.

"Calm down, Nelly. Everything's going to be fine. Hindi naman siguro niya tayo sasaktan. I mean, hindi ko naman sinasadya at humingi rin ako ng tawad," I tried to convince her... and also myself.

Tinignan niya ako na parang alien ako at hindi ko naiintindihan ang mga bagay-bagay sa mundo.

"Braxon doesn't take apologies, Azalea. You should know that," she said in exasperation.

Umikot ang mga mata ko. Hindi ko nga siya kilala no'ng nabunggo ko siya, 'yon pa kayang sinasabi ni Nelly.

"Just don't overthink, Cornelia. Iiwas naman ako. As much as possible, I won't let him see me. There's nothing to worry about."

"Kinakabahan kasi ako. I know Braxon. He's the type of guy you wouldn't want to be with." Lumambot ang facial expression niya.

Ngumiti ako kay Nelly. Kahit may pagka-OA siya, na-touch ako sa mga inaasal niya. She's showing me how much she cares for me.

"Thank you, Nelly. But really, I'll be fine." Tinignan ko ang phone ko at nakita ang isang text ni Asi roon. "Gotta go. Hinihintay na ako ni Asi. Bye, Nells." I kissed her cheek.

Ayaw kong mag-alala sa'kin si Nelly kaya hindi ko inaamin sa kanya na pati ako, kinakabahan sa pwedeng gawin sa'kin ni Braxon. I don't know him, but based on what I've heard, he's a very dangerous guy. I would rather hangout with nerds than with him.

Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad. Mabagal din ang paglalakad ko dahil baka hindi ko mapansin, may tao pala sa harap ko. Katulad ng nangyari kanina.

Malapit na ako sa parking lot ng university at nangingiti ako dahil buhay pa ako hanggang ngayon. Baka hindi naman big deal sa kanya 'yon? OA lang siguro 'yong mga tao sa paligid ko.

"Look who's here..." Napahinto ako kasabay ng pagkabog ng sobrang lakas ng puso ko. Pakiramdam ko, gusto niya nang lumabas mula sa dibdib ko. "Azalea, isn't it?"

Dahan-dahan akong humarap sa gilid ko at nakita ko roon ang lalaking kanina ko pa tinataguan. Lumapit siya sa'kin hanggang sa tuluyan na siyang nakatayo sa harap ko. Nakatingala ako at nakatingin diretso sa kulay abo niyang mga mata.

Sobrang tangkad niya pala. O sadyang maliit lang ako? Hindi man lang ako umabot sa balikat niya. Mas lalo tuloy akong natakot. Kayang-kaya niya akong ibato.

Bumilis ang paghinga ko at pasimple akong humakbang paatras. Sa tingin ko ay napansin niya 'yon dahil tumiim ang panga niya at dumilim ang mga mata niya.

Ito na ba? Ito na ba ang katapusan ko? Hindi pa nga ako nakakapagsulat ng sarili kong libro tapos mawawala na kaagad ako sa mundo? Kahit isang libro lang. Gusto ko lang may maiwan sa mundo na makakapagpaalala sa'kin bago ako mawala.

"I... I'm s-sorry. I p-promise I w-won't do it a-again. I-It was an a-accident." Nanginginig ang boses ko. Huminga pa ako ng malalim at yumuko upang maiwasan ang mga mata niya na mas lalong dumidilim bawat minutong dumadaan.

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon