XI: Faster

60 1 0
                                        

Azalea's POV

Hindi ko na alam kung paano iaangat ang tingin ko. Pakiramdam ko unti-unti akong natutunaw sa klase ng titig sa'kin habang naglalakad ako sa ground ng university.

Pasimple kong tinignan ang katawan ko at wala naman akong nakikitang kakaiba. May mali ba sa akin ngayon? Hindi ko naman nakalimutan magsuklay. Siguro may dumi lang sa mukha ko.

No'ng mapadaan ako sa isang nakaparadang sasakyan, pasimple akong tumingin sa bintana nito para makapagsalamin.

Wala namang dumi. Ano bang problema?

Nasagot ang tanong sa utak ko no'ng makarating ako sa classroom. Nasa pintuan palang ako, napahinto na ako sa paglalakad.

Why is he here?

He's comfortably seating on my chair. Hindi niya man lang ininda ang paninitig at bulungan ng mga kaklase ko. Nakatingin siya sa bintana at mukhang malalim ang iniisip.

"Azalea!" Tawag no'ng isang kaklase ko.

Para siyang nagising sa pagkakatulog. Agad na dumapo sa'kin ang paningin niya. Tumayo siya at inayos ang damit niya.

"Leave us," mahina pero mariin niyang sabi. Walang tanong-tanong na umalis ang mga tao sa loob ng classroom.

No'ng maiwan kaming dalawa, doon ko naramdaman ang awkwardness. Why is he quiet?

Kailan ba siya nag-ingay, Aza?

Nagsimula siyang humakbang papunta sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa mukha niyang seryoso kahit na nagtataray nanaman ang kilay niya. Nakabagsak din ang wavy niyang buhok.

No'ng nasa tapat ko na siya, nakatingala na ako. Siguro kailangan ko nang suotin ang heels ko. Nakakangawit ang ganito.

Tinaas niya ang kanang kamay niya at doon ko napansin na may hawak siyang isang pulang rosas.

"Braxon..." I don't know what to say. Is he giving me the flower?

"I'm not good with apologies, Azalea. But I tell you, from the bottom of my... guts, I'm sorry. I'm sorry for what I've done to you. Forgive me, please." He's manly voice sounds so sweet in my ears. And I don't know why.

Inisip ko ang ginawa niya sa'kin no'ng huling pag-uusap namin. The kiss...

Pinilig ko kaagad ang ulo ko no'ng maisip ko 'yon. Nararamdaman ko kasi ang pag-init ng pisngi ko.

Kahit na may panghihinayang ako dahil nakuha na ang first kiss ko, hindi ko makapa ang galit kay Braxon sa pagkuha niya nito.

Maybe it was just a spur of the moment for him. He got carried away by our exchange of words.

"What's with the sudden apologies?" I asked instead.

Hinawakan niya ang kamay ko dahilan ng pagbilis ng pintig ng puso ko. Nilagay niya 'yong rosas doon.

"I miss you..." Malambing niyang saad.

Gusto na yatang lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko. My heart is beating so hard that it actually aches a little.

"You... y-you w-what...?" Pati boses ko nanginig na dahil sa malakas na pintig ng puso ko.

"I said I miss you... So fucking much..." He caresses my cheek. Gusto kong pumikit pero pinilit kong idilat ang mga mata ko.

I can't lose focus now.

"But Braxon..."

Why does he miss me? Honestly, I never missed him. I've been seeing him a lot even though we're not talking to each other. We're studying in the same university. Malamang magkikita talaga kami.

The Demon's HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon