XVII: Oh no!

61 1 0
                                    

Braxon's POV

I stood there like an idiot. Nakatingin lang ako sa dinaanan ng sasakyan no'ng anak-araw. Bumalik ang tingin ko sa paper bag na hawak ko.

This is my early birthday gift for you...

Alam niyang magbi-birthday ako. Paano niya nalaman?

Binuksan ko 'yong paper bag at nilabas ang malaking box na nasa loob no'n. Mas lalo akong nagulat nang makita ko kung ano ang binigay niya.

A helmet...

Ito na yata ang pinakamagandang regalong natanggap ko. It's a simple black helmet but this means a lot to me. Parang binubulong sa'kin 'yong dahilan kung bakit ito ang binigay niya sa'kin. At natutuwa ang buong pagkatao ko sa isiping nag-aalala siya sa'kin kaya ito ang binigay niya.

Lumapit ako sa motor ko at kinuha ang lumang helmet ko. Iyon ang nilagay ko sa box at binalik ko 'yong box sa paper bag. Para akong tanga na napabuntong hininga nang isuot ko 'yong bagong helmet ko.

This feels so good. Parang pinapakain ng kasiyahan ang kaluluwa ko. Daig ko pa ang naka-drugs.

Pero para akong nalaglag mula sa mga ulap nang maalala ko ang mukha ni Azalea kanina.

She looks disappointed. Very disappointed with me.

Sumakay ako sa motor ko at mabilis na pinatakbo 'to.

I'm sorry, baby... Don't be mad...

Wala pang labing-limang minuto, nakarating na ako sa tapat ng bahay nila Azalea. My blood boiled when I saw the fucker's car in front of their house.

Why the hell is he here?

Bago pa ako makagawa ng panibagong katangahan, pinakalma ko na kaagad ang sarili ko.

I need to calm down. Hindi maganda ang dinudulot ng init ng ulo ko. Ayaw kong mas lalong sumama ang loob ni Azalea sa'kin. I need to think straight this time. Hindi niya maaagaw si Azalea sa'kin. She's mine. Hindi sapat ang nangyari ngayong araw para mapunta sa kaniya ang babaeng gusto ko.

Pinaandar ko na ulit 'yong motor ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I want someone to talk to. Naisip kong pumunta kay Mama pero sa ngayon, kailangan ko 'yong taong kayang sabihin sa'kin kung ano ang dapat kong gawin.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa labas ng condominium kung saan nakatira si Laz. Kinuha ko 'yong phone ko at tinawagan siya.

"What's up, man?" Bungad niya.

"I'm outside."

"What are you doing there? May date kami ni Cornelia."

"Pumunta ka rito. Don't bring Cornelia." Binaba ko na ang tawag.

Sumandal ako sa motor ko habang naghihintay kay Laz.

Ano bang ginagawa no'ng anak-araw na 'yon sa bahay nila Azalea? Hindi pa ba sapat 'yong mga suntok ko para maging warning sa kaniya na 'wag siyang lumapit kay Azalea? Matigas din ang bungo no'ng hayop na 'yon. 'Wag lang siyang magkakamaling pormahan si Aza. Ilalagay ko siya sa kabaong niya.

Binuksan ko ang phone ko at sinubukang mag-type ng message para kay Aza. Nakakailang subok na ako pero hindi ko kayang i-send. Hindi ko magawang i-send sa kaniya dahil hindi ako kontento sa laman ng mensahe ko.

After this day... I will really do everything to make you mine... Officially mine...

Masyado nang malalim ang nararamdaman ko kay Azalea para pakawalan pa siya. She's what I need. She's the one I want.

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon