Azalea's POV
Napakurap-kurap ako habang tinitignan ang kalunos-lunos na sinapit ng cellphone ko dahil sa pagbato ko.
Dahan-dahan akong lumapit at pinulot ang piraso ng dating maayos kong phone. Sobrang basag 'yong screen at halos hindi ko na mahawakan maigi dahil konting galaw lang, alam kong magkakalas-kalas siya.
Gano'n kalakas ang pagbato ko? Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yong lakas na 'yon.
I bit my lower lip as I look at my poor phone. How can I reply to Braxon? How can I contact him now? Sira na ang phone ko!
This is Braxon's fault! Kung ano-ano kasing sinasabi niya. Hindi sanay ang utak ko sa mga gano'ng salita. Nanghihina ako sa mga gano'n.
What am I going to do now? There's something inside me that's urging me—making me want to talk to Braxon. Parang gusto ko siyang makausap ngayon. As in now! I don't think I could let this day pass without knowing what he really meant in his message.
I'm going crazy! I don't know what to do anymore.
Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Azalea! Are you okay? We heard a noise." Natatarantang sabi ni Dad. He's wearing his PJ bottom and a white t-shirt.
Nasa likod niya si Mommy na naka-robe pa. May pag-aalala sa mga mukha nila habang nakatingin sila sa'kin at nag-aabang ng sagot.
Anong sasabihin ko? Na may kuryenteng nag-udyok sa'kin na ibato ang cellphone ko?
"Nabasag po 'yong phone ko, Dad." Nilahad ko sa kanila ang dalawang kamay ko kung nasaan ang phone ko na halos hindi na makilala.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila nang makita ang phone ko.
"What happened? Bakit ganyan na ang itsura niyan?" Ngumiwi si Dad sa kalagayan ng phone ko.
"Nahagis ko, Dad, eh. Hindi ko naman sinasadya." Yumuko ako. I can't lie to them. Hindi ko naman talaga sinadya. Parang may sariling utak ang kamay ko.
Napailing sila ni Mommy pareho. Nawala na ang pag-aalala sa mukha nila at parang nakahinga sila ng maluwag.
"That's okay, Aza. We'll buy you a new one tomorrow. Go to sleep, okay? May pasok ka pa." Lumapit sa'kin si Dad at hinalikan ang ulo ko.
Humalik din si Mommy sa pisngi ko bago sila umalis dalawa.
Wala na akong nagawa kun'di itapon sa basurahan ang sira-sira kong phone. Napakamot pa ako sa ulo ko nang maisip ko kung gaano kamahal 'yon.
Maraming naghahangad ng iPhone tapos binato mo lang 'yong sa'yo? What's wrong with you, Aza?
Humiga na ako sa kama ko at pinilit ang sarili kong matulog.
Ilang oras na ang nakalipas pero gising na gising parin ang diwa ko. Parang ayaw akong patulugin. Kahit isang beses ko lang nabasa ang message ni Braxon, parang tumatak na sa isip ko ang mensahe niyang 'yon.
Ayaw mo sa'kin? Samantalang ako, gusto kita...
Gusto niya ako... bilang ano? Friend? Companion? Schoolmates? Ano? Ano ba kasing ibig niyang sabihin?
Nang mawalan ako ng pag-asa na makakatulog ako, tumayo ako at lumabas sa kwarto. I need answers. Magulo ang isip ko. Hindi ako makakatulog nito.
Bumaba ulit ako sa sala namin. Madilim na at ang ilaw nalang sa dining area ang bukas. Binuksan ko ang ilaw sa sala namin. Dahan-dahan pa ang paglakad ko papunta sa telephone—nagdadalawang-isip kung gagawin ko ba talaga 'to.
BINABASA MO ANG
The Demon's Heart
Художественная проза"The only way to tame a demon is to get his heart." He has his demons. And those demons made him one of them. Now, everyone knows that he is a demon. He doesn't care, though. He wants all of them to be afraid of him. They should be. He can trash any...