Aza's POV
Hindi narin ako natuloy sa restroom. Pagtapos namin mag-usap ni President Costales, wala sa sariling naglakad ako papunta sa cafeteria.
Naabutan ko roon si Nelly at Laz na kumakain na pero walang bakas ni Braxon. Saan nanaman kaya nagpunta 'yon?
"Where's Braxon?" Tanong ko kaagad paglapit ko sa kanila. Nilapag ko ang bag ko sa madalas upuan ni Braxon bago ako umupo sa madalas kong upuan.
"Nandiyan lang 'yon. Sa tabi-tabi." Parang balewalang sabi ni Laz at bumalik na siya sa pakikipag-usap kay Nelly.
Ang hirap naman istorbohin ng dalawang 'to. Laging may sarili silang mundo na bawal mong pasukin. Tumayo na ako at nagpasyang hanapin nalang si Braxon.
"I'll go find him." Paalam ko sa kanila pero parang wala na talaga silang pakialam dahil hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin.
Umalis nalang ako at nagsimula nang hanapin si Braxon. Sinubukan kong tignan ang motor niya sa parking lot para malaman kung nasa loob pa siya ng university at hindi naman ako nabigo nang makita ko 'yong nakaparada parin sa lagi nitong pwesto.
Napangiti ako nang makita ko ang motor ni Braxon. 'Yong pwesto kasi ng motor niya parang siya talaga. Maraming nakaparadang sasakyan pero walang malapit sa motor niya. Para bang sinadya ng iba na makipagsiksikan nalang sa ibang sasakyan kaysa itabi sa motor niya. Ang laki ng espasyo na nakapalibot sa motor niya.
Pati sasakyan niya, kinatatakutan? Unbelievable. Napangiti ako.
"Hindi ka pa kumakain." Mabilis akong napaharap sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Brax.
Hindi naman siya mukhang galit... pero hindi rin mukhang masaya. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko tuloy malaman kung ano bang iniisip niya. Galit ba siya dahil sa sinabi ko kanina?
"Hinanap kita." Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Bumakas ang pagkabigla sa mukha niya at parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
Bahagyang kumunot ang noo niya at pinakatitigan ako na parang isa akong math problem na mahirap i-solve.
Dalawang minuto yata kami nagtitigan bago siya umayos at nagsalita.
"Hindi ka dapat nagpapagutom."
May ugnayan ba sa mga sinabi namin? 'Yong totoo, ano bang pinag-uusapan namin?
"Hindi naman ako gutom." Mahinang sabi ko. "Isa pa... gusto kitang makausap."
Tinarayan nanaman ako ng kilay niya. Kalalaking tao, mas mataray pa sa'kin ang kilay. Sabagay, mas mahaba nga ang buhok niya sa'kin, eh. Literal!
"Tungkol saan?" Kinunot niya ang noo niya. Siguro ginawa niya 'yon para itago ang tunay niyang nararamdaman pero bigo siya dahil kitang-kita ko ang bakas ng takot sa mukha niya.
Bakit siya natatakot? Hindi ko naman siya kakainin, eh.
"I want to apologize for what I've said earlier. I went too far. I'm sorry." Yumuko ako.
Nag-angat lang ako ng tingin nang hawakan niya ang dalawang kamay ko na magkahawak.
"You don't have to say sorry. It was my fault. I get it now." He sincerely said. "We'll talk about this but first, I need to buy you foods. You need to eat."
Marahan niya akong hinatak papunta sa isang bench na nasa parking lot kung saan madalas naghihintay ang mga estudyanteng may sundo. Pinaupo niya ako roon at iniwan niya sa'kin 'yong bag niya bago siya naglakad papunta sa cafeteria.
You need me... Bakit nararamdaman ko na tama nga si President Costales? Ngayon, parang alam ko na kung bakit kailangan ako ni Braxon.
I don't know kung tama ang hula ko. Hindi naman ako psychologist. Pero sa mga pinapakita at mga sinabi ni Braxon noon, pati ang mga takot niya na nakikita ko, parang unti-unti na akong nagkaka-ideya kung anong mayroon.
BINABASA MO ANG
The Demon's Heart
Ficción General"The only way to tame a demon is to get his heart." He has his demons. And those demons made him one of them. Now, everyone knows that he is a demon. He doesn't care, though. He wants all of them to be afraid of him. They should be. He can trash any...