IV: The sister

84 2 0
                                    

Azalea's POV

I must admit, I'm quite surprise that I'm still standing here with no bruises at all.

The first week of my 4th year in college had been a challenging one. I spent my free times hiding and doing my best to stay out of Braxon's way.

So far, there's nothing bad that happened to me. I'm still walking in one piece. And I'm thinking, maybe people are just overreacting.

Maybe Braxon is not that bad...

Papunta ako ngayon sa locker ko. I'm holding a pile of papers. Ilalagay ko 'to sa locker ko para hindi ako mahirapan kunin kapag pasahan na.

I'm in deep thought about my next subject that I didn't notice the large frame in front of me.

Sumabog ang dala ko at nakagat ko ang ibabang labi ko. With all these papers, paano ko ito mapupulot kaagad nang walang nakakatapak sa kahit isang papel? Malas pa dahil lunch break ngayon.

Lumuhod ako at isa-isang pinulot ang mga papel na nagkalat. Napansin kong lumuhod din ang nabangga ko at tinulungan ako sa mga papel ko.

Hindi ko alam kung busy lang ba talaga ako kaya hindi ko napapansin ang ingay sa paligid o sadyang tumahimik sila. Wala ring dumadaan sa magkabilang gilid ko kaya lihim akong nagpasalamat.

My papers are safe.

Nang mapulot ko na lahat, tumayo na ako. Gano'n din ang babaeng kaharap ko. Napansin ko ang pagiging matangkad niya. Nilahad niya sa'kin ang mga papel. No'ng nag-angat ako ng tingin, namilog ang mga mata ko.

Bakit ko ba siya laging napagkakamalang babae?

It's because of his hair.

Nakatitig lang siya sa'kin at gano'n din ako sa kanya. Napakurap ako no'ng naging mapungay ang matapang niyang mata. Nawala narin ang kunot sa noo niya pero mataray parin ang dating ng kilay niya.

I cleared my throat. Kinuha ko ang papel na nasa kanya at bahagyang ngumiti.

"Thanks... for helping me," sabi ko.

Hindi man lang siya ngumiti kaya kinabahan ako.

Napakatahimik ng paligid. Walang nagsasalita. Bakit ganito ang mga tao? Kapag pinapatahimik ng mga professors, nag-iingay parin tapos ngayong walang nagpapatahimik sa kanila, hindi sila magsasalita?

Naputol ang katahimikan no'ng may marinig akong mga yabag at tunog ng bola na dini-dribble.

Galing iyon sa likod ko. Titignan ko sana pero bago pa ako makaharap, may malakas na pwersa na galing sa likod ko ang nagtulak sa'kin paharap. Natapon nanaman ang mga papel kasabay ng pagbangga ko sa isang matigas na pader.

Mahinang nagsinghapan ang mga tao sa paligid.

May naramdaman akong humawak sa baywang ko. Nagmulat ako ng mata at doon ko narealize kung nasaan ako.

My hands were on his hard chest while his hands were on my waist. Nakatingin siya ng masama sa tao sa likod ko na sa tingin ko ay 'yong tumulak sa'kin.

Napansin niya yatang nakatingin ako kaya dinungaw niya ako. Sobrang liit ko ba o sadyang matangkad lang siya? Nakatingala ako sa kanya.

Galing sa galit na ekspresyon, unti-unting lumambot ang mukha niya. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko. Damang-dama ko ang init na galing sa kanya.

Dahil siguro sa init kaya uminit ang pisngi ko. Sobrang lapit kasi namin sa isa't isa kaya siguro naiinitan ang mga pisngi ko.

Umangat nanaman ang labi niya at dumungaw ang dimples niya. Nakatitig siya sa mukha ko.

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon