VII: Talk to me

65 2 0
                                    

Braxon's POV

Inihinto ko ang Motorbike sa isang gilid bago naglakad sa mga damo. No'ng makita ko ang pangalan niya, umupo ako at ngumiti.

She's my safe zone. She's my peace of mind. I need her now.

"Ma..." Bati ko sa kanya. "I need your presence. I want your comfort."

Yumuko ako at huminga ng malalim.

"They hate me, Ma. No one wants me. Si Ate, may pamilya na. Wala kina Tita ang gustong makasama ako. They all want me gone. Si Ate nalang ang mayroon ako pero hindi na siya pwede. She has a family of her own. And now, I'm all alone, Ma. I wish you're here." Hinaplos ko ang lapida niya.

In memories of Juliana Farren
you will never be forgotten

"I thought I found someone, Ma. Akala ko magkakaroon na rin ako ng kasama ko... but I'm wrong. Maybe we're not for each other. She's an angel, Ma. She's the most perfect girl I've known. And I messed up. She's afraid of me. She doesn't want me in her life," umiiling na sabi ko. "I deserve it, though. She's too perfect for me. She deserves someone way better than me."

I stopped for a moment to feel the wind and weigh my emotions.

"But I need her, Ma. She makes me see the world like how you want me to see it. She calms every cell in my body." Huminga ako ng malalim at sinabi na ang gustong-gusto kong sabihin. "Help me get her, Ma. She's what I need in my life."

"Then get her. Why do you need Mama's help? If you want her, then get her by yourself." Napatingin ako sa likod ko no'ng marinig ko ang boses ng ate ko.

"Why are you here?" Umupo siya sa tabi ko at nagsindi ng kandila.

"Mama ko rin siya, Brax. 'Wag kang madamot," pagsusungit niya.

"Where's Ariy?" Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang motorbike niya sa tabi ng akin. "Akala ko ba ayaw ng asawa mo na ginagamit mo 'yong motorbike mo?"

"Wala na siyang magagawa. Nandito na ako." Umirap siya sa'kin bago hinarap si Mama. "Inaartihan ka nitong lalaking 'to, Ma? Ang laki ng katawan pero totoy naman pala. Akala mo kung sinong matapang, torpe naman. Kanino ba 'to nagmana?"

"Hindi ako torpe, ate." Naiinis na sabi ko. I am not, okay?

"Hindi raw. Kanina pa ako nasa likod mo Brax. Maybe we got the same senses kaya nagkasabay tayong pumunta rito. Masyado ka sigurong problemado kaya hindi mo namalayan na nasa likod mo ako." Sinapak niya ako diretso sa pisngi ko. "There. Para matauhan ka!"

"Stop hitting me! Papatulan na talaga kita!" Pikon kong sabi.

Lagi ko namang sinasabi 'yon pero hindi ko rin naman nagagawa. I respect my sister so much. Mama always reminds me when she was still alive that I should love my sister more than I can love any other girl.

"Mama, oh! Papatulan daw ako nitong lampang ito! Awatin mo ako, Ma! Susuntukin ko 'to!" Humarap siya sa akin at pinakita ang kamao niya. "Kaya mo na ba buto mo?"

Mukha lang babae itong ate ko pero panglalaki ang kamao niya. Napakabigat ng kamay niyan. Naaawa nga ako minsan sa mga babaeng na-bully niya.

"Bakit ka ba kasi nandito? Kinakausap ko si Mama!" Ang tahimik na kanina, dumating pa siya.

"Mama mo lang? Saka, nagpapahinga na nga siya, pupunta ka pa rito para bigyan siya ng problema. Anong klase kang apo?"

"Hindi ko siya binibigyan ng problema!"

"Hindi raw." She snorted. "Ano palang tawag mo sa mga drama mo? Help me get her, Ma." Ginaya niya pa 'yong boses ko.

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya dapat narinig 'yon! Paniguradong sasabihin niya 'to kay Lazarus at babawian ako ng hayop na 'yon.

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon