Azalea's POV
"Isn't that Azalea?"
"I knew they were together. I saw Brax waiting for her at the gate!"
"Poor thing. Maybe Brax forced her to be his girl."
Napakunot ang noo ko bago tumingin sa huling nagsalita. Nakatingin din siya sa'kin gamit ang mga naaawa niyang mata.
That's a low blow! She shouldn't talk about Braxon like that!
Sinamaan ko siya ng tingin bago bumaling sa lalaking naglalakad sa tabi ko. Seryoso lang ang mukha niya pero alam kong naririnig niya ang sinasabi ng mga tao sa paligid.
I somehow feel sorry for him. Alam kong may pagka-bad boy ang itsura niya pero wala silang karapatan na tratuhin siya ng ganito.
You tried to avoid him. What makes you different?
Kung pwede ko lang pukpukin ang ulo ko ngayon, ginawa ko na. I don't need my subconscious' opinion right now.
I held Braxon's hand and I felt him stiffened. Malakas na singhapan ang narinig ko bago ko mabilis na hinila si Brax palayo doon.
"Don't mind them, Brax. You're not that bad, I'm sure," sabi ko nang makalayo na kami at hindi parin siya nagsasalita.
"Yeah..." Wala sa sariling sabi niya. Kumunot ang noo ko at huminto sa paglalakad bago ko siya tinignan.
Napanganga ako no'ng makita ko siyang nakatitig sa kamay naming magkahawak. Heat spreads through my cheeks. Ako nga pala ang humawak sa kamay niya.
Mabilis kong binawi ang kamay ko bago nag-iwas ng tingin.
Lumakad na ulit ako, leaving him behind. Nahihiya ako! Why did I even held his hand? Baka kung ano na ang isipin niya!
"Hey, wait for me." Narinig kong sabi niya mula sa likod.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko no'ng marinig ko ang mabilis niyang lakad papunta sa akin.
"Wala ka bang klase? Why are you following me?" Sabi ko no'ng makasabay siya sa lakad ko. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.
"Ihahatid kita sa klase mo bago ako pumunta sa klase ko. Don't mind me. I'm fine being late," simpleng sabi niya.
Mas kinikilabutan pa talaga ako kapag ganyan ang tono ng pananalita niya. Siguro kasi nasanay akong lagi siyang masungit at malalim ang boses niya kapag nagsasalita. Ngayon kasi parang hindi siya 'yong bad boy na iniisip ng lahat.
"Why would you do that anyway? I don't want to offend you but we aren't even friends, right?" Naghintay ako ng sagot niya pero nagkibit-balikat lang siya.
Nang makarating kami sa tapat ng classroom ko, humarap ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga tao sa paligid namin na nagbubulungan. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin kaya natigilan sila at dali-daling umalis.
"If someone annoys you, tell me. I will do something about it," seryosong sabi niya. Napanganga pa ako dahil parang inuutusan niya ako sa way ng pagkakasabi niya.
"No one's annoying me, Brax."
"I just want to make sure," sabi niya. Tumingin siya sa pinto ng classroom namin. "Sige na, pumasok ka na. Baka ma-late ka pa."
Tumango ako at papasok na sana pero may nakalimutan akong sabihin. Humarap ulit ako sa kanya bago ngumiti.
"Thanks..." Ngiti ko. "Sa paghatid dito pati narin sa clinic."
Pumasok na ako dahil hindi ko na makaya ang kiliting pinaparamdam ng mga fireworks sa tiyan ko.
Braxon's POV
BINABASA MO ANG
The Demon's Heart
Narrativa generale"The only way to tame a demon is to get his heart." He has his demons. And those demons made him one of them. Now, everyone knows that he is a demon. He doesn't care, though. He wants all of them to be afraid of him. They should be. He can trash any...
