XXII: Promise

56 1 0
                                    

Azalea's POV

I've always admired nature. It amazes me how the sound of the birds and tree—whenever it catches the wind—soothes my whole system. The feeling of calmness and contentment as you feel the wind softly caressing your body. It was, as if, the wind is blowing all my worries away.

Nature gives me what life is lack of, a peace of mind. Life is full of uncertainties and inhibitions, but looking at how beautiful Mother Nature is, this makes life worth a shot.

Two Maya birds caught my attention. Malaya silang lumilipad, sumasabay sa ihip ng hangin. Para silang naghahabulan. I wonder how they feel whenever they fly. Is it freeing?

I unconsciously took a deep breath. Napakalalim naman ng iniisip ko. It's early in the morning and this is what I'm thinking about?

"That's one deep sigh." A baritone voice said. Napangiti ako. Hindi ko pa man din siya nakikita, alam ko na kaagad na siya 'yon. Nakatatak na yata sa isip ko ang boses niya. "A penny for your thought?"

Lumingon ako sa kanan ko kung saan nanggaling ang boses at hindi na ako nagulat na tama nga ang hinala ko. Si Braxon nga ang nagsalita.

I was slightly blinded by the rising sun. I squinted my eyes and used my right hand to cover the sun rays.

Braxon's large build covered the sun. Dahil sa ginawa niya, natignan ko siya ng maayos at 'di ko maiwasang mamangha habang tinitignan siyang lumalapit sa akin.

He's wearing his usual uniform plus a black leather jacket that made him look badder than he already is. Naka-bun ang buhok niya habang nakasuksok sa isang kamay niya sa bulsa ng pants niya at ang isa naman ay tamad na nakahawak sa backpack niya na nakasabit sa isang balikat niya.

The ray of the sun that envelops his sides made the scene more dramatic. Parang siya ang binibigay ng liwanag sa akin. Siya ang biyaya na para sa akin lang.

Akin...

Bakit parang ang sarap pakinggan na sa akin si Braxon? Parang kinikiliti ang loob ko habang iniisip ko na sa akin siya. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Azalea!" Para akong nagising mula sa panaginip ko nang malakas na tinawag ni Braxon ang pangalan ko. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. He's crouching a bit so our eyes would be at the same level. "Are you okay? Kanina pa kita tinatawag. Is there something wrong?"

"Huh...?" Heat spreads across my face. Umiwas ako ng tingin.

This is so embarrassing! I'm daydreaming! Daydreaming about Braxon while he's here in front of me!

"You seem to be in deep thought. Nang abutan kita rito, malayo na ang tingin mo. Nang tawagin naman kita, hindi mo inalis ang tingin mo sa akin. Is there a problem, Azalea? Maybe I can help..." Hindi ko napigilan ang pagbuga ko ng malalim na hininga habang naririnig ang boses ni Braxon na puno ng pag-aalala.

How can a manly voice that once almost scared me to death give me this relaxing feeling?

Am I still normal?

"I'm... fine." Mahina ang boses ko. Hindi ko na matignan ng maayos si Braxon dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ito katulad ng kaba na naramdaman ko noong una kaming magkakilala. Kaba 'to na dahil sa takot na baka malaman ni Braxon kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon.

"Are you sure? Maybe you're not feeling well. I can take you to the infirmary." His voice is too deep for my liking. Parang pati katawan ko nag-vibrate dahil sa sobrang lalim ng boses niya.

Tumitig ako sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng kabang nararamdaman ko, hindi ko parin maiwasan ang kagustuhan kong tignan ang mga mata niya.

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon