XX: Dead end

46 1 0
                                        

Azalea's POV

"Bye, Aza. Don't take care of yourself too much. Gawain ni Brax 'yon." Bilin pa ni Lazarus bago sila naglakad palayo ni Nelly.

Hindi parin ako komportable kapag inaasar nila ako kay Braxon. Naniniwala naman ako sa sinabi niya. Mukhang pati sila Nelly nga alam, eh. Hindi naman siguro nila ako aasarin ng gano'n kung hindi nila alam. Ang iniisip ko lang ay kung sinabi ba ni Braxon sa kanila na may gusto siya sa'kin o sadyang nalaman lang nila.

Kung titignan kasi si Braxon, hindi siya 'yong tipo ng taong makikipagsabihan ng feelings sa kaibigan niya. Wala siyang ibang ginawa kun'di saktan si Laz. Sasabihan pa kaya niya ng feelings?

"So," Brax started. "Where do you want us to talk?"

Napatingin ako sa paligid at hindi ko alam kung wala ba talagang nagbibigay ng atensyon sa'min o iniiwasan lang nilang tumingin. May mga sumusulyap kasi. It got me thinking—hindi na nga ba kami pinapansin ng mga tao o iniiwasan lang nilang tumingin?

"Somewhere we won't be disturbed, I guess." I shrugged.

"Would you mind if... we go to my house instead?" May pag-aalinlangan sa boses niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

In his house? Kaming dalawa lang? Will that be immoral?

Azalea! Ano ba 'yang iniisip mo? Mag-uusap lang kayo!

Right. Mag-uusap lang. I shouldn't overreact.

"S-sige..."

Mariin niya akong tinitigan.

"If you're not comfortable, it's okay. We could talk somewhere else." Biglang nanlaki ang mga mata niya na para bang may naalala. "Actually, I want you to meet someone. Would you mind coming with me?"

Tinignan ko siya sa mata para makakuha man lang ng ideya kung saan kami pupunta, but his eyes were not expressive. It was blank and guarded. Para bang ayaw niyang may makaalam ng kung anuman ang iniisip niya.

But I trust him... Kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta, sasama parin ako. I trust him with my life. I don't know when I started trusting him but right now, I already gave him my full trust.

"I would love to." I smiled. Bahagya rin siyang ngumiti kaya lumabas ang dimples niya.

Kinuha niya na ang bag ko at nagsimula nang maglakad. Wala na akong nagawa kun'di ang sumunod sa kanya. Maangas maglakad si Braxon. Sigang-siga ang lakad niya. 'Yong parang nakakatakot banggain o salubungin dahil sa sobrang angas.

Nang makarating kami sa gilid ng motorbike niya, maingat at dahan-dahan niyang sinuot sa'kin ang helmet na madalas kong gamit bago niya sinuot ang helmet na binigay ko sa kanya.

Napangiti ako habang tinitignan siyang suot ang bigay ko. It looks good on him. At masaya ako dahil ginagamit niya ang binigay ko.

Inalalayan niya akong sumakay sa motorbike niya bago siya sumakay. Pinahawak niya rin sa'kin ang bag naming dalawa kaya nilagay ko 'yon sa pagitan namin saka ako yumakap sa baywang niya para hindi ako malaglag.

As usual, normal at hindi gano'n kabilis ang takbo ng motor ni Braxon. Maingat din siya sa pagliko.

"Drive thru muna tayo. Hindi ka pa kumakain." Biglang sabi niya habang nakahinto kami dahil sa red light.

"I'm not really hungry."

Pero parang wala siyang narinig dahil dumiretso kami sa drive thru ng isang fast food chain. Umorder siya ng para sa dalawang tao.

"Can you still hold this?" Tanong niya habang inaabot ang mga pagkain namin.

"Of course." Kinuha ko ang mga plastic at kumapit sa kanya gamit ang isang kamay.

The Demon's HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon