XXI: Serious talks

57 1 0
                                    

Azalea's POV

"Everything's set for Braxon's birthday, Aza. We've already booked a hotel in Tagaytay. Aalis tayo ng Linggo at babalik ng Miyerkules. Since walang pasok ng 21 at 22 dahil holiday, pare-pareho tayong walang pasok ng Sunday at Monday, at hapon pa ang klase sa Wednesday, there shouldn't be a conflict, right?" Tuloy-tuloy na sabi ni Nelly habang naglalakad kami pabalik sa classroom.

Hindi namin kasama sila Braxon ngayon dahil may klase sila ngayon. Nelly took this chance to discuss to me their plans for Braxon's birthday which is on Ninoy Aquino Day.

"Do you think Dad will let me come, though? Four days vacation without them? I don't know, Nelly. You know how protective my dad is."

Minsan din hindi ako maintindihan si Dad. Pumapayag naman siya kapag umaalis si Asi at kung minsan, hindi umuuwi. Pero kapag ako, ma-late lang ako ng dalawang oras sa pag-uwi, he will definitely worry.

"Ako na bahala kay Tito. He trusts me. Alam niyang hindi kita pababayaan." She confidently said. "By the way, may pool doon sa hotel so you should bring some swimsuits, okay?"

Tumango ako. "Alam na ba ni Braxon ang tungkol dito?"

"Actually, no." Tumawa si Nelly. "Laz and I planned everything without his consent."

"What? Paano kung hindi siya sumama?"

"That's not gonna happen, Azalea. Pupusta ako, kapag nalaman niya, mas excited pa siya sa akin." She grins.

She's that confident, huh?

Hindi na ako sumagot at hinayaan nalang siyang sabihin pa sa akin ang iba pang details para sa birthday ni Brax.

Actually, I'm not quite sure kung makakasama si Braxon. I noticed, he's been busy lately. Hindi na kami masyadong namamasyal sa labas dahil kapag uwian, hahatid niya lang ako sa bahay tapos aalis na siya.

I can't text him about his whereabouts dahil hanggang ngayon wala pa akong phone. My dad insists on buying me a new phone but I didn't agree. I broke my phone, ako dapat ang bumili ng bago. I want to be responsible.

Sakto naman na pagkarating namin ni Nelly sa room ay siyang pagpasok ng professor namin. Natigil si Nelly sa pagsasalita at napilitang makinig sa lecture.

Our class was dismissed early. Nelly and I decided na kaming dalawa naman ang pumunta sa room nila Brax. This will be the first time na kami naman ang susundo roon sa dalawa.

Naglalabasan narin mula sa room nila Braxon nang dumating kami pero nasilip namin ni Nelly sa bintana na komportable pang nakaupo 'yong dalawa sa mga upuan nila.

"Brax, aalis pala tayo next week." Dinig naming sabi ni Laz. Nakabukas ang pinto at nasa may pintuan kami banda kaya rinig namin ang pag-uusap nila.

"I'm busy." Masungit na sabi ni Braxon.

I thought so.

"Bakit ba palagi ka nalang MIA? Hindi narin kita minsan ma-contact simula pa last week. What's happening, Brax?"

"Don't be too nosy." Sumimangot na si Braxon.

"Basta next week, kailangan mo munang itigil 'yang pinagkakaabalahan mo dahil aalis tayo. It's your birthday."

"You're not the boss of me, Esquirra." Tumayo na si Braxon at sinabit ang bag niya sa balikat niya.

"Tignan mo 'tong taong 'to." Laz looks frustrated. "I already planned everything. Maayos na lahat, sasama ka nalang."

"Bakit ba pati birthday ko pinapakialaman mo? I told you, I'm busy. Now, shut your mouth or I'll shut it for you." Pikon na sabi ni Braxon.

Napasinghap ako sa sinabi niya. This rude man... "Braxon!"

The Demon's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon