CHAPTER 3

7.6K 129 3
                                    

Elle's POV

"Basta Angel, kayo na muna ang bahala sa on-going projects natin. Hindi ko alam kung kelan ako babalik." Bilin ko kay Angel

Tinawagan ko kasi sya to make sure na kahit mawawala ako, magiging maayos ang mga on-going projects ng team namin.

"Aalis ka na po ba Ma'am?" Angel asked

"Hindi pa ako sure eh. Pero I filed an indefinite leave. Magiisip na muna ako. Deserve ko naman na siguro na magkaroon ng bakasyon after 6 long years." sabi ko

"Opo naman po Ma'am. Nga po pala, nagresign na kahapon sila Ms. Rita at Ms. Dani. Kung si Ms. Jaimie daw po ang magiging boss, wala daw magiging future. They even said na kayo ang gusto nilang mapromote. Sabay po sila kahapon, inmediate resignation kaya sabog yung team na iniwan nila ngayon." Angel said

"Ah oo, tinext nila ako kahapon. Actually, halos yung mga tao sa team nila magaalisan na."

"Talaga po ba Ma'am?" tanong pa ni Angel

"Yun ang sabi nila sa akin." sagot ko

"Tayo po ba Ma'am?" tanong ulit sa akin ni Angel

"Anong tayo?" tanong ko pabalik

"Ma'am, kung hindi po kayo ang boss namin, aalis na din po kami." Angel said

"Angel, mahirap humanap ng work ngayon. Hayaan nyo, magiisip muna ako. Ang maipapangako ko lang sa inyo, hindi ko kayo iiwan. Pero sa ngayon, hayaan nyo muna ako magisip."

"Deserve nyo po yan Ma'am. Wag po kayong mag-alala sa mga projects na nakuha natin, tatapusin po namin ito ng maayos."

"Salamat Angel. H'wag na din muna kayong tumanggap ng dagdag projects kasi di pa natin alam ang mangyayari. "

"Opo Ma'am. Magiingat po kayo."

"Oo, salamat ha Angel?"

"Wala po yun Ma'am. Sa lahat ba naman nang nagawa nyo para sa amin? Kami na po ang bahala. Enjoyin nyo po ang bakasyon nyo."

"Sige. Magiingat din kayo."

After meeting with Angel, umuwi na muna ako sa bahay to tell my parents my sudden vacation. Dapat talaga 3 months from now pa yun, buti na lang at may nagpacancel for tomorrow kaya mabilis na naipamove ko ang pagpunta ko ng Paris.

For the first time in 6 years, I will use my vacation leave for leisure.

***Videocall****
Kaela: Pagdating na pagdating mo dun, maghanap ka nang gwapong nilalang. Yung blue eyes tapos iuwi mo na dito!
Zea: Kaela! Maguunwind si Elle, hindi maglalandi.
Kaela: Kasama na yun dun! Basta make yourself happy! Tandaan mo 'tong line na ito. WITHOUT RESERVATIONS! ganyan.
Zea: Basta Elle, gawin mo lang ang magpapasaya sayo. Wag ka masyado magbasag dun. Tawagan mo kami agad bago ka makulong ha?
Kaela: Magaayos na pala ako ng Schengen visa para maayos namin ang bail mo if ever.
Elle: Mga baliw kayo!!! Ano sa tingin nyo ang gagawin ko dun? Kayong dalawa ang umayos jan, baka pagbalik ko may nakakulong na sa inyo.
Kaela: Malamang hindi ako yun!! Hindi ako ganun kawarfreak no?!
Zea: Macoconfine ka sa Mandaluyong kaya malamang hindi ka makulong. Sya sige na Elle, mag-ayos ka na. Enjoy!! Ingat ka!
Kaela: Bye Elle!!! Pasalubong ha? Lab lab!!! See you pagbalik mo! Yung blue eyes ha?
Elle: Okay! Pakitingnan na lang ang unit ko. Ingat kayong dalawa and behave girls. Byeee.

***Call Ended***

This will gonna be the very first time I would travel indefinitely. Walang time frame. I will have the fun I needed to make my heart forget the pain.

Haii, sabi sa huling movie na napanood ko, sa Sagada daw napunta ang broken hearted. Ang question, na identify ba kung anong klaseng broken hearted ang pumupunta doon? Paano yung kagaya ko na broken hearted pero hindi dahil sa lalaki? Haii kaloka.

Oh well, basta napatunayan ko lang na kailangang umalis ang mga broken hearted kasi, sabi nga sa kanta, where do broken hearts go? Can they find their way home?

"Ikaw lang ba talaga mag-isa dear?" tanong ni Mom na nakapagbalik ng isip ko sa kasalukuyan

"Yes Mom."

"Will you be okay alone? Aren't Kaela and Zea going with you?" tanong ulit ni Mom

"Mom calm down okay? I can manage. It's like I haven't flew alone." Mom

"Sweetie, nagaalala lang naman ang Mom mo. You know very well that ---" I cut Dad

"That I'm your one and only. No worries with that Dad. I'll surely take care of myself. Kayo din po ni Mom. I love you both."

"Okay then sweetie. You go ahead. We'll wait until you are boarded." Dad

"Okay Dad. Ingat kayo ni Mom pauwi." I kiss Dad

"I love you dear. Take care okay?" Mom kissed me

I wave once more. Haii, mahirap talaga maging only child. Ako lang ang source ng pride at stress ng magulang ko. Buti na lang at hindi sila strict sa mga ganitong bagay. But my parents are firm catholics. Hindi sila open sa mga ilang bagay, gaya ng pre- marital sex at lalo na nang extra marital affairs. Anyway, as if I would like to deal with those.

Hopefully, this trip would be the salvation of my heart. Oonga, hindi nga ako nabroken hearted sa lalaki ni hindi ko nga sila iniyakan kailanman. Sa trabaho naman ako nabroken hearted. tss. Kaya sana, sana talaga, this vacation would help me heal not just my heart but my whole being. Sana naman I would know now how to value myself more than my work. Kung bakit ba nga naman kasi sobrang workaholic ko.

Maybe, what I am feeling right now is the same as what those being cheated feels like. Para na rin akong pinagtaksilan kasi nga, akala ko, ako lang, ako na, yun naman pala, may ibang itinatangi. May ibang mas mahal. Sobrang sakit. Before, I used to think na maarte ang naiyak dahil nabroken hearted. Tingin ko nga dati, arte lang ni Kaela yun na iyak sya ng iyak, now I understand. Masakiy nga palang talaga.

Haiii, dapat ko nang tigilan ang pagiisip ng ganito. I should indulge my self in things that would make me feel pampered, contented and happy. I should make myself convinced that I am not just anybody. 

I am Jacquelle and I can conquer.

TRAVEL GOALS: My Bundle D'AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon