CHAPTER 16

5.7K 96 4
                                    

Elle's POV

***Alarm Clock Rings***

I open my eyes and looked at the wall clock infront of my bed.

"Shit!"

9:00am na! Usapan namin nila Kaela at Zea, magkikita kami ng 8:30am. Oh good Lord! Mapapatay ako nung dalawa. As I checked my phone, puno na nga po ng messages and missed calls. Kaya nagmadali na ako. Bakit ba kasi ako pumayag na malayo sa condo ang meet up place eh!

"Ano ba naman yan Elle?!! Lagi ka na lang late bumabangon!! Arggg! Hindi ka na nakakapagjogging!! Wala ka na excercise! Lagi ka na lang tulog!" bulyaw ko sa sarili ko habang nag-aayos

It's past 11:00am aready nung nakarating ako sa mall kung saan kami magkikita at syempre, malayo pa lang ako, masama na agad ang mukha nung dalawa.

"Sorry na!"

"Ewan ko sa'yo!! Aba Jacquelle! Ang usapan ay breakfast, lunch na ate!"

"Sorry na nga po diba?! Tara lunch na tayo!"

Habang naglulunch kami dinidiscuss nung dalawa yung planong pagpunta ng Korea.

"Hala! Wag nyo akong isama!!! Wala akong pera, kakauwi ko lang kaya! Remember France??!!"

Hindi naman alam nung dalawa na bumili ako ng bagong ticket para makauwi agad na hindi hamak na mas mahal dahil wala namang seat sale available sa Mallorca. Hindi ko naman masabisabi sa kanila kasi hindi ko pa kayang magshare.

"Sige na Elle! Sumama ka na kasi!" Zea

"Nakakainis naman to eh! This year kaya yung Korea natin! Last year nga hindi ka na sumama sa amin ni Zea sa Japan eh!" Sabi naman ni Kaela

Nakokonsyensya na talaga ako. Ilang beses ko na nga ba silang tinanggihan at dinitch sa mga plano namin. Ilang beses na nga ba sila nag adjust nang dahil sa akin?? Haii.

"Oonga! Nakakainis ka! Sumama ka na kasi!" sabi ni Zea

"Wala na nga akong budget! Anlaki kaya ng nagastos ko dun!" Kung alam nyo lang!

"Ay! Madami akong pera! Pahihiramin kita! Pay when able na lang!" sabi ni Kaela

"Ako din! Sagot ko na muna airfare at hotel! Si Kaela na bahala sa cash! Anona? Ayusin na kasi natin para makakuha na tayo ng visa!" sabi ni Zea

At dahil wala naman na akong magiging lusot, I agree. They were my bestfriends. The sisters I had from another mothers.

"Dala nyo ba passport nyo?" tanong ko

"Oo naman." sabay naming sagot nila Kaela at Zea

Hindi naman sila prepared ano?!

"Osya sige na nga. Tara na muna dun sa agency para matulungan tayo sa visa." Inaya ko silang dalawa.

Pagdating namin sa agency, agad na may nag-assist sa amin.

"Ma'am pa-photocopy naman po nitong passport nyo, back, front pati na rin po lahat ng visa at mga pages na may stamp."

At dahil makikita nung dalawa yung mga tatak ng Spain, Portugal at Frankfurt, nagvolunteer ako na ako na lang ang mag pa photocopy. Isa pa, tamad talaga yung dalawa so walang masyadong aasahan dun.

"Ma'am alin po dito?"

"Kuya lahat po ng may tatak tapos po yung may visa na din."

"Ma'am eto na po yung kay Suarez."

Nung chineck ko, okay naman yung akin.

"Ma'am eto po yung kay Almonte."

Nung chineck ko, aba! Nagulat ako. Paanong mayroong US visa na si Kaela at ang nakakapagtaka pa rito, may entry at exit na rin sya from State of LAX, Nevada. Hmmmn, mahabang eksplinasyon ata to ah. At nung birthday nya pa talaga. Aiii nako kang Nikkaela ka. Ano kayang kalokohan ang pinaggagawa ng loka lokang ito?!

"Ma'am yung kay Lewis po."

"Ha? Ay hindi yan. Manuel yung surname nun."

"Eh Ma'am wala naman pong Manuel eh, eto lang po yung dala nyo eh."

"Talaga ba? Patingin nga ako kuya."

At pagtingin ko, Aba! Mas nakakagulat ito! Paanong naging Lewis na si Zea? Middle name na ang Manuel?! Hala! Ano bang nangyari sa dalawang ito???!! At may US visa na rin si Zea?! Harujosko! 

"Ma'am??"

"Sige, paphotocopy na nga po."

Nang matapos na ang photocopy, naguguluhan pa din ako. Hindi ko maisip kung paanong nangyari ang mga iyon? Hindi naman yun fake diba? Haiii. Bahala na nga.

Pabalik na ako nung makasalubong ko yung dalawang mukhang galing marathon.

"I think I need explanations from the both of you. We need to find a seat."

Dinala na muna namin ang photocopy sa agency  para ma-asses na nila at maisunod na lang namin ang iba pang requirements. After nun, pumunta na kami sa may coffee shop. Mukhang kinakabahan ang dalawa at mukhang may sasabihin sikreto.

"Kaela, what was the Entry on Jan 26 and Exit on Jan 27 at LAS , 10 year multiple entry visa at US? Kaya ba nung niyaya tayo ni Zea kumuha ng visa ay tumanggi ka dahil may visa ka na at galing ka na sa Vegas?" tanong ko

"Eh--"

"Later."

"Ikaw Zea,----"

"Ahmmn, I'll explain first." Sabi ni Kaela

Okay so Kaela really did what's written on her bucketlist. Mejo wirdo talaga kasi ang nga gusto nitong si Kaela.At sa wakas, naintindihan ko na ang essence nung married secretly sa bucket list nya. In fairness naman sa naging asawa ni Kaela, he looks good. And he makes Kaela very happy. Atleast, she found happiness on that, ako kasi parang hindi naman.

Kung natuloy ang kasal, I mean, siguro kung hindi ako tanga na naniwala kay Seb, at kung siguro ay hindi sya kasal sa iba, siguro kasal na rin ako ngayon ng legal at may papel. Pero kaya naman pala symbolic wedding lang ang nangyari sa amin nuon sa Barcelona is because he was married, long time ago.

Kaela was very happy with her life right now. Her husband bought her a unit. It was beautiful. Pagdating naman namin sa unit na ito ni Kaela, si Zea naman nagexplain kung paanong napalitan ang apelyido nya kasabay ng US Visa nya.

"Ahmmmn. May aaminin din ako."

"Oo Zea! Sabihin mo sa amin bakit Lewis na ang surname mo!!" sabi ko

"Kasal na din ako. 5 months ago."

"What?!!" Sabay naming reaction ni Kaela

Okay, so paanong hindi kami magugulat ni Kaela eh haos maging man hater itong si Zea. Dalawa lang naman kasi ang tingin nya sa lalaki, kapag hindi bakla ay gago. Tapos ngayon malalaman namin na kasal na?! Ang mas nakakagulat pa! Aba! Nauna pa sya kay Kaela ikasal.

Yun nga lang, wala syang ibang picture kundi yung mga stolen shot nya. At isang American Navy ang napangasawa nya. Parang kailan lang, ayaw na ayaw nya ng mga ganyan. Hindi nga nya kinonsider na magboyfriend ng LDR tapos ngayon hindi lang basta LDR, on mission pa. Haii kakaloka.

Minsan talaga hindi natin mapepredict ang takbo ng buhay. May minsang nanghula sa amin, nang sabihin na si Zea ang mauuna ikasal syempre pare pareho kaming hindi naniwala. Pero look at us, my friends are now happily married. At ako, muntik na. Kung hindi lang ako naloko at ginawang mistress.

TRAVEL GOALS: My Bundle D'AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon