CHAPTER 19

5.7K 109 0
                                    

Elle's POV

"Hija, napansin ko lang mula kahapon na dumating ka, you look pale. Although mukha namang tumaba ka ng konti at nahiyangan ka na ata ng work mo eh mukha ka namang stressed out. Kagabi, hindi mo nakain yung pagkain, paborito mo naman ang tinolang manok hindi ba? Tapos sabi pa ng Dad mo kanina daw parang narinig nyang naduwal ka. Do you have a problem anak?"

"Mom wala po. Nagcoffee po kasi ako kagabi, baka umakyat na naman yung acid kaya naduwal ako kanina. Kaya nga po hindi ako nakakain kagabi kasi mejo mahapdi ang sikmura ko."

"Nagpapagutom ka kasi anak. Please take care of yourself my love."

"Hindi na po mauulit Mom. Promise Mom, and thank you."

"I love you Elle."

"I love you too Mom."

Sorry Mom, I really really love you but I badly need to lie. Hindi pa po talaga ako prepared Mom. Sorry po talaga. Ihahanda ko lang po ang sarili ko. I was so loved by my parents na kahit ganito na ako katanda, they still 

"Kaya mo bang magtravel na ganyan ha Elle?"

"Opo naman Mom. Wala na din naman po. Reflux lang po yun"

"Sure?"

"Yes Dad." mahinang tugon ko

"Ayan na pala si Zea at Kaela eh."

"Oh, magiingat kayong tatlo ha? Enjoy things but be always be safe."

"Yes Tito!" sagot ni Kaela kay Dad

Agad namang nagmano at nagbeso yung dalawa kay Mom. Hindi na nagtagal si Mom at pumasok na kami sa airport.

"Okay ka lang ba Elle?" tanong ni Zea nung makalayo na kami

"Muntik na ako girls. Muntik na akong mabuking."

"Ramdam ka namin Elle." Kaela

"At wag kang mag-alala kasi di ka namin iiwan." Zea

"At di rin pababayaan." Kaela

"Thank You ha."

"Pumasok na tayo kesa magdrama pa dito."

Thanks sa pregnancy ko, we are on the VIP line. Maaga kaming nakacheck in at nabigyan ng maayos na upuan.

The whole duration of flight was hell for me. Hilong hilo ako. Maya't maya din ako naduduwal. Si Kaela ang katabi ko sa upuan pero walanghya, pareho silang tulog ni Zea. Infairness sa mga flight attendant, halos ibigay na sa akin lahat ng candy na available sa eroplanong yun. Natigil lang naman ang pagkahilo ko nung nakalanding na.

Pagbaba namin, kainan agad ang una naming hinanap. Jusko, gutom na gutom ata ang mga anak ko. At nang makakita na kami ng restaurant, kumain na kami agad. At dahil nasarapan ang mga chikiting ko, okay, kasama ako dahil nasa loob ko pa sila, nagtake out ako kasi kakain ulit ako pagdating ng hotel.

True to it, kumain muna ulit ako pagdating na pagdating namin sa hotel tsaka natulog. I am so drained. Dalawang bed yung andito. At dahil buntis ako, at malikot matulog si Zea, silang dalawa ni Kaela ang magkatabi sa mas malaking bed.

I woke up earlier than them because of morning sickness. Talagang hindi kinalimutan ng mga anak kong iparamdam sa akin na present na sila. Nagulat na lang akong inabutan ako ni Kaela ng basong may tubig.

"Hirap?" Kaela

"Oo. Pero masaya." Sagot ko

"Haiii. Sana ako din!" Kaela

"Soon Kaela! Wag kang atat. Atleast, anjan ang asawa mo." Sabi ko kay Kaela

She just smiled and prepare herself. Maaga nga magising si Kaela pero ubod tagal magmake up. Sa aming tatlo, ako na ang pinakamabilis magprepare. Heto kasing si Zea, mamamatay ata kapag walang blower. She loves her hair more than anything in this world.

TRAVEL GOALS: My Bundle D'AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon