04

9K 311 29
                                    


Chapter 4


Kyle's POV


"So ano ba ang mga hobbies mo?" Naglalakad kami ngayon ni Luke papunta sa registration ng clubs and organizations.

"Hobbies? Bukod sa matulog mahilig din akong gumawa ng novels." Sabi ko.

"Seriously dude? Hindi ka naglalaro ng kahit na anong sport?"

"Kailangan pa bang itanong 'yan? Nakikita mo naman sa katawan ko diba?"

"Oh? Anong meron sa katawan mo? Okay lang naman ah." Hay nako ewan ko nalang sayo Luke.

"Ganon? Porket maganda ang hubog ng katawan mo pwede mo nang kutyain ang katawan ko?"

"Hindi naman sa ganon." Seriously, maganda ang pangangatawan ni Luke. Halatang sporty siya dahil mahahalata mo talaga ang magandang hubog ng katawan niya, but sad to say hindi ko siya type.

"Napansin mo rin pala ang katawan ko. Haha salamat." Sabi niya.

"Ano kaya ang sinalihang club ni Chloe?" Bulong ko. Hindi ko pa kasi siya nakikita kaya hindi ko pa rin siya natanong.

"Ano bang club ang bagay sayo. Wait, let me think." Sabi niya habang isa-isang tinitignan ang registration tables ng mga clubs.

"How about sumali ka sa basketball club? Tutal senior natin ang team captain ng baketball." The heck? Tama ba yung narinig ko? Basketball club? Tumingin ako sa registration area at nakita ko ang nakapoker face na mukha ni Jake na nakaupo at pinapanuod ang nagsisidatingang students.

"Never. Ayoko sa sport." Sagot ko.

"Ayaw mo sa sport o ayaw mo sa team captain?" Nairita ko ang mapanuksong ngiti niya.

"Iniinis mo ba ako?"

"Sorry naman. Haha bakit ba ang laki ng galit mo sa taong 'yon? I mean may nagawa ba siya sayo?"

"Wala. Dali na, find me a club. Yung hindi boring at mag eenjoy ako." Sabi ko.

"Teka maghahanap ako. Dito ka lang muna bibili lang ako ng maiinom." Sabi niya at kumaripas ng takbo paalayo.

"Hoy pink milk!" Sigaw ko na siya namang pinagsisihan ko sa huli dahil nakatingin ang ibang tao saakin. Tawagan ko kaya si Chloe? Baka may nasalihan na siyang club tapos sasama nalang ako sakanya para hindi ako mabored. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at dinial ang number ni Chloe.

"Ba't ayaw niyang sumagot? Busy ba siya?"

"Aray!"

"I'm sorry." Napatingin ako sa mga papel, notebooks at librong nahulog.

"Sorry din." Sabi ko tapos tinulungan ko ang lalaki sa pagpulot ng gamit.

"Salamat. Pasensya na nagmamadali kasi ako." Pagkatapos niyang kunin lahat ay tumakbo ulit siya papunta sa registration area. Hindi ko masyadong nakita yung mukha niya dahil nagmamadali siya at nakafocus ako sa pagpulot ng gamit niya pero nakita ko ang skyblue niyang damit at ang silver niyang relo.

"Sinong hinahanap mo?" Napatingin ako sa likuran at nakita ko si Luke na may dala-dalang inumin.

"Ah wala. Ba't ka pala natagalan?" Tanong ko.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon