10

7.6K 282 20
                                    




Chapter 10

Kyle's POV

Kinaumagahan, insaktong nagising ako bago tumunog ang alarm ko kaya naman nakapagligpit na ako ng gamit na hindi ko nailigpit dahil napagod ako kagabi.

"Ano kayang susuotin ko ngayon?" Sa kasamaang palad ngayon ko lang napagtanto na wala pala akong dalang sport's attire I mean damit na pwedeng suotin para naman maging komportable ako sa paglalaro. Alangan mag pants ako atsaka mag polo habang naglalaro? Tsk. Sana bumili ako kahapon edi sana hindi ako maguguluhan ngayon. Wala rin akong ganong damit sa bahay kasi hindi ako naglalaro ng basketball, volleyball or kahit na anong sports. Tumayo ako nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya binuksan ko 'to.

"Good morning." Bumungad saakin ang mukha ng bagong gising na si Luke.

"Oh? Luke? Ngayon ka lang nagising?" Tanong ko.

"Oo eh. Buti ka pa at tapos kanang maligo." Tinapik niya ang towel na nakapatong sa ulo ko. Pinupunasan ko kasi ang buhok ko kanina.

"Ah oo nga pala. Dinalhan kita ng jersey shorts and shirt baka kasi wala kang dala." Inabot niya saakin ang paper bag.

"Nako tamang-tama. Thank you ah wala kasi akong dalang ganito at wala naman akong ganito sa bahay kasi nga I don't do sports." Pero hindi ibig sabihin na mukha na akong elepante ha, I'm fit even though hindi ako naglalaro ng kahit na anong sport maaga naman akong nag jo-jogging sa ball field malapit sa bahay namin kaya kahit papaano nag bu-burn pa rin ako ng fats.

"Ganon ba? Nako good naman pala ang timing ko." Sabi niya at ngumiti.

"Halika pasok ka muna." Aya ko sakanya.

"No it's okay. Magliligo pa ako tapos magbibihis." Sabi niya.

"Talaga? Sige."

"Sige ha balik muna ako sa room ko. Just give me 30 minutes madali lang 'to." Sabi niya atsaka tumakbo pabalik sa room niya. Dinala ko ang damit sa loob ng room ko at tinignan ito. Medyo maliit ito kumpara sa katawan ni Luke ngayon at sa tingin ko ginamit niya ito noon.

"Kasya naman pala saakin." Sabi ko. Inayos ko ang sarili ko atsaka lamabas sakto namang paglabas ko ay lumabas din si Luke.

"Tara?" Sabi niya. Huminto muna ako at tinignang ang aking relo.

"5:30 am, tara." Sabi ko at naglakad na palabas ng building.

"Ano bang gagawin natin ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Basic skills. Of course sigurado naman ako na nakapanuod kana ng game so alam mo kung paano ito laruin." Sabi niya.

"Yup. Actually part 'yan ng lesson sa P.E nung high school." Sabi ko.

"Ganon naman pala edi nakapaglaro kana ng basketball." Natatawa niyang sabi.

"Actually hindi ako naglaro sa katunayan sinadya kong ma INC sa P.E nung time na yun para lang hindi ako makapaglaro but eventually I nailed the subject with my special project so pumasa pa rin ako."

"Sayang naman. You missed the fun." Sabi niya.

"Anong fun dun? Baka pagtawanan lang ako ng mga classmates ko kasi hindi ako marunong maglaro. There's no fun in playing basketball for me." Totoo naman eh, saan ko kaya makukuha yung confidence na maglaro ng basketball na hindi natatakot na pagtawanan ng ibang tao? Hays.

"Alam mo kasi sa paglalaro ng basketball kailan may focus ka, it's as important as having a relationship with someone. Hindi mo talaga hahayaang maagaw ang bola at the same time you need to win the game." Aba 'tong isang ito napapansin ko ha, parang andaming hugot sa buhay.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon