21

6.9K 229 5
                                    

          

Chapter 21

Kyle's POV

"Talaga? Paano mo ginawa 'yon? Like wait? Totoo ba itong mga narinig ko? I think I'm dreaming or what." I rolled my eyes. Nagkita na talaga kami ni Chloe at take note, nag absent siya dahil lang dito. Nasa cafeteria.kami ngayon. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng gutom after how many hours of internalizing at processing sa mga nangyari 'cause believe it or not hindi siya kaya ng brain cells ko na iprocess lahat ng 'yon.

"Pwede ba? Huminahon ka muna? Kahit naman ako na shock din sa result eh." Sabi ko sakanya. Nakakainis, so ito na talaga ang magiging kapalaran ko? I never thought that I'll join in this kind of competition.

"Sus, so paano mo nga ginawa? Ano bang pinagawa sainyo?" Tanong niya.

"Nothing special. Nagkaroon lang kami ng kaonting Q & A. Tinanong ako and as expected I answered the question." Sabi ko. Hindi pa ata alam ni Karl na ako ang Mr. Freshman ng faculty namin, hindi pa kasi siya nagtetext saakin eh.

"Para sayo madali lang 'yon ano. Paano nalang yung iba na kagaya ko who have the looks but not so smart?" Tanong niya.

"Actually, madali lang yung mga tanong. Maganda naman lahat ang sagot nila. Siguro maswerte ata ako sa araw na ito. Maswerte ba talaga or malas? Hay nako."

"Alam mo Kyle, hindi mo dapat iniisip ang mga ganyan ngayon lalo pa't nagsisidatingan ang mga exams. Nakapagaral ka na ba?" That's it!

"Teka nga lang! Chloe ha! Anong nakain mo? Namaligno ka ba?"

"Oh bakit? Ano bang ginawa ko?" Pagtataka niya.

"Hay ewan ko nalang sayo. Minsan sabihin mo naman saakin ang mga ganap sa buhay mo kasi kagaya nito nabibigla nalang ako sa pagbabago mo." Sabi ko.

"Bakit? Ano bang nangyari saakin? Mukhang wala naman eh." So seasonal yung pagsisipag mong ganyan? Depende sa mood? Pwede ba 'yon? Tsk.

"Ay ewan ko nalang." Sagot ko.

"Ay oo nga pala Kyle! May nakilala akong fafa, nasa faculty ninyo. Sobrang gwapo, sobra talaga!"

"Talaga? Do I know him?" Tanong ko.

"I guess. Well, let's just talk about it later. For now, how are you going to spend your weekend?" Tanong niya. I sighed and placed the glass of pink milk on the table.

"I don't know yet. Gusto ko sanang mamasyal or manuod ng sine. I will do anything to ease my boredom." Sabi ko. But actually, okay na ako kahit na magbabad ako sa pool of pink milk sa loob ng dalawang araw.

"Okay so we will have a movie date on Saturday at sa Sunday naman pwede tayong mamasyal at magpamassage sa favorite spa ko near my aunt's botique." Sabi niya.

"Sure. Sige sige, ikaw ang bahala." Sabi ko. Napatingin kaming dalawa sa phone ko nang tumunog ito at nagpahiwatig na may notification. Kinuha niya agad ang phone ko at siya na ang nagbasa.

"Ano ba 'yan Chloe?" Tanong ko.

"It's your schedule." Sagot niya.

"Schedule for what? Don't tell me--"

"Sa Mr. And Ms. Freshmen? Yup. At isa sa mga organizing team ang nagsend sayo ng schedule." Si Quenie ata ang nagsend saakin nito.

"Anong nakalagay sa schedule ko?"

"OMG! Kyle hindi matutuloy ang lakad natin this weekend. Sa Saturday kasi may pictorial ka with the other candidates at sa Sunday naman may practice ka for production number, I'm sure masusukat ang galing mo sa pagsayaw nito."

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon