14

7.1K 255 16
                                    

Chapter 14

Kyle's POV

"Bam Boo? Eh sigurado ka bang hindi mo yan kilala?"

"Kaya nga nagtatanong ako sayo diba? Magtatanong ba ako kung kilala ko?" Inirapan ako ni Chloe habang kumakain ng fries. Nasa cafeteria kami malapit sa dorm ko, I asked her to have her lunch with me 'cause I haven't seen her for days.

"Ano bang sabi?" Tanong niya.

"Hindi naman importante. Yung tipikal na 'hi' lang ang sinabi niya." Sagot ko. Hindi lang ata ako ang curious sa Bam Boo nato, pati rin ata si Chloe.

"Ganon? Nag message siya sa real account mo?"

"No. Sa dummy account ko." Si Chloe at si Jeff lang ang nakakaalam na saakin yung De Panda na account sa facebook. At silang dalawa lang ang nakakausap ko ng matino dun, the rest puros readers, dummy accounts at mga indians na hindi ko naman pinapansin.

"Pero ang weird ng Bam Boo ah, haha kapangalan pa niya yung fave singer ko na si Bamboo. Napaka gwapo pa. Ano? Real account niya ba 'yon?"

"Aba malay ko? Hindi ko siya nireplayan at hindi ko rin binuksan ang message niya. I don't talk to strangers." Sabi ko. Totoo yun kahit na curious ako hindi ako yung tipong nagsta-stalk pwera nalang kung kailangan talaga.

"Teka, search ko saglit." Kinuha niya ang phone niya sa bulsa.

"Take your time." Ininom ko ang pink milk ko tapos inilibot ko ang tingin ko sa cafeteria. May try out pa pala ako sa Friday, malapit na 'yon.

"Oh? Newbie rin pala ang isang ito sa facebook eh. Tignan mo oh, Joined facebook last week." Napatingin ako sakanya, kinuha ko agad ang cellphone niya at tinignan ang profile nung Bam Boo. Wait, bago lang sa facebook? Tapos nag cha-chat agad sa hindi kakilala? Ka galing! Tss.

"Dummy account 'to for sure."

"Paano namang hindi eh puros bamboo yung picture sa photos. Haha!" I rolled my eyes at Chloe.

"Whatever. I still don't want to accept his message request." Lalaki kasi ang gender na nakita ko sa profile niya so I think lalaki 'to.

"Haha ewan ko sayo Kyle, kala mo naman first time mong makatanggap ng message request eh pang sampu na ata ito this month. Tsk."

So ayon tumahimik na siya at kinain ulit ang fries niya. Maya-maya ay nag vibrate ang phone ko at sa kasamaang palad it's a notification from Bam Boo, again.

"Kyle look. I think interesado sayo yang tao. Tanggapin mo na kasi ang request." Agad kong ibinaliktad ang phone ko.

"Hayaan mo na 'yan. Sanay na ako." Sabi ko. Inilapag ko ulit ang cellphone ko sa table at ininom ang pink milk ko. I miss this drink, alam niyo yung feeling na masaya ka kapag nakakain mo yung gusto mo? I'm actually having that feeling right now, parang inaalis ng drink na 'to yung stress ko sa katawan at pinapalitan ng happy thoughts yung mga bad ones. Napakagaan sa pakiramdam.

"Oh wait Kyle, nagtext si Fay."

"Sinong Fay?" Napatingin ako sakanya.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon